Chapter 59

805 72 77
                                    

Hindi namalayan ni Cairo na mataas na ang araw nang imulat niya ang mugto niyang mga mata. itinulak niya ang kaniyang mukhang nakasubsob sa kaniyang mga brasong nakaekis sa sofa.

Pinahid niya ang kaniyang mga matang natuyo na ang mga luha ngunit mabibigat pa rin ang mga talukap.

Nakatulugan na niya ang pagluha at ang umagang iyun ay ang umagang...at hindi na niya itinuloy pa ang kaniyang inisiip.

Dali-dali siyang tumayo at napansin niya ang kaniyang teleponong puno ng mga twag at mensahe. Dinampot niya ang kaniyang telepono at nakita niya ang isa sa mga mensahe na mula sa mama ni Ishmael.

I knew what's bothering your mind, but if you ever made a decision and see it in your heart that you wanted to be my son's queen, I will be waiting at the church with all your bridal things. Please don't lose hope with my son. He needs you Cairo.

Ang sabi ng message nito sa kaniya.

Napabuntong-hininga na lamang siya at saka niya sinuklay ang kaniyang magulong buhok gamit ang kaniyang mga daliri. At binasa niya ang kaniyang tuyong mga labi.

Wala na siyang oras kailangan na niyang umalis, ang sabi niya sa kaniyang sarili. dali-dali siyang umakyat ng bahay para kunin ang kaniyang gamit. Pagkatapos ay hinilamusan na lamang niya ang kaniyang mukhang may bakas ng mga natuyong luha.

Nang makapag-ayos na siya ng kaniyang sarili ay dali-dali siyang bumaba ng hagdan. Tumayo siya sa may pintuan at umikot ang kaniyang katawan para pasadahan ng tingin ang kalooban ng bahay sa huling pagkakataon. Ang bahay na iyun na naging saksi sa kanilang pag-iibigan ni Ishmael.

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka niya pinihit ang ang doorknob at hinila niya ang pinto para pagbuksan ang kaniyang sarili. at ang kaniyang paghakbang palabas ay nagdulot ng kirot sa kaniyang dibdib at muling nanikip ang kaniyang lalamunan.

At tila ba sa kaniyang bawat paghakbang papalayo sa cottage ay mas bumibigat ang bitbit niyang bag at ang kaniyang mga paa sa bawat paghakbang.

Kaya naman ang kaniyang paglalakad na aabutin lamang ng kaunting minuto ay bahagyang natagalan dahil sa tila ba sing bigat ng mundo ang bitbit niya nang sandali na iyun.

And when she reached the clearing at palapit na siya sa malaking bahay ay bahagya pa siyang napaatras at napahinto sa kaniyang paglalakad.

Paano kung naroon pa si Ishmael? ang tanong ng kaniyang isipan. at habang nakapako ang kaniyang mga paa sa lupa ay napansin niya si Enrique na nanlaki ang mga mata sa gulat nang makita siyang nakatayo lamang.

At ang Enrique na hindi niya nakitang natataranta ay nagtatakbong lumapit sa kaniya.

"Señorita Cairo! Ay dios mío señorita, why are you still here? The ceremony is about to start, and why are you carrying your bags? Uh it doesn't matter, come on, come on! I will drive you myself to the cathedral."

Ang natatarantang sabi ni Enrique at tinawag nito ang sasakyan sabay kuha nito ng kaniyang bag sa kaniyang mga kamay.

Isang matipid at malungkot na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Isa si Enrique sa mga mami-miss niya.

Huminto ang sasakyan sa kanilang harapan at agad na pinagbuksan siya ng pinto ng driver. Isinilid ni Enrique ang kaniyang gamit sa backseat at sinenyasan siyang sumakay na sa loob.

Pagkatapos ay kinuha nito ang susi sa driver at sumakay naman ito sa driver side.

"Don't worry señorita I will get you to the cathedral in no time, before you can even say Ishmael," ang sabi pa ni Enrique sa kaniya.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon