"Príncipe Ismael, su alteza," ang pagbati sa kaniya ni Gaston pagkapasok niya sa loob ng palasyo ng hari.
"Mi abuelo? Dónde está?" ang kaniyang tanong habang patuloy siya sa paglalakad at binabagtas ang malaking entrance hall.
"En su biblioteca formal, su alteza," tugon ni Gaston habang nakasunod ito sa kaniya na naglalakad.
Tumango siya at tahimik niyang binagtas ang malawak na pasilyo patungo sa silid na sinabi ni Gaston. Ang formal library ng kaniyang abuelo ay silid kung saan tinatanggap niya ang bisitang may mataas na katungkulan sa gobyerno o isa ring member ng monarkiya na hindi parte ng kanilang pamilya.
Kaya naisip na agad ni Ishmael na ang kaseryosohan ng mangyayaring pag-uusap nang umagang iyun. At hindi rin niya nakaligtaang isipin muli si Cairo na naiwan niya sa kaniyang estate.
Isang tikom na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi nang maalala niya ang nangyari kagabi at ang ginawa ni Cairo kaninang umaga. But it's not all about sex kaya siya labis na masaya. Ang katotohanan na mahal siya ni Cairo ang nagpapataba ng kaniyang puso at dahilan kung bakit naglalakad siya nang sandali na iyun na may ngiti sa kaniyang mga labi. At ang pagmamahal niya kay Cairo ang dahilan kung bakit naroon siya sa palasyo nang sandali na iyun.
Narating nila ang silid. At protocol na kinailangan siyang pagbuksan ng butler ng pinto at ianunsiyo ang kaniyang presensiya.
Tumango ang butler sa kaniya at saka siya humakbang papasok ng silid at naroon na nga sa loob ang kaniyang abuelo at nag-iisa pa lang ito. May hawak itong libro na Filipino dictionary. Talagang inaaral nito ang lingguwahe ng mga Pilipino. At hindi na ito makapaghintay na makapag-retiro sa buhay monarkiya nito at maging isang ranchero.
Inilapag nito ang libro sa ibabaw ng coffee table at saka ito tumayo para batiin siya. At hinagkan niya ang magkabilang pisngi ng kaniyang abuelo saka siya tumango bilang pagbati.
"Por qué estás aquí?" his abuelo asked him with that surprised look in his old yet intelligent eyes.
"I wanted to be here abuelo when you talked to señor Rafaelo, with regards to my decisión," ang kaniyang mariin na sagot.
Tumango ang kaniyang abuelo at itinuro nito ang isang winged chair sa tabi nito at sabay silang naupo.
"And...have you made your...decision?" ang tanong ng kaniyang abuelo sa kaniya. At sinenyasan nito ang isa pang palace staff para ipagsalin sila ng kape sa kanilang mga tasang nakahanda na sa may center table.
"Si, abuelo," ang mabilis niyang sagot.
Tumango ang kaniyang abuelo at dinampot nito ang sariling tasa para humigop ng mainit na kape.
His abuelo replaced the coffee cup on its saucer before he leaned his back on the soft backrest.
"You have to know Ishmael that I made my decision last night after talking to you that I am going to talked to señor Rafaelo this morning to break the agreement between me and King Juan de Merceilles into marrying you to countess Lily," ang mariin nitong sagot.
"So if you decided to still pursue with the agreement into marrying countess Lily? It is of your own free will, and it is you who will converse with king Juan to recommence the agreement," ang paliwanag sa kaniya ng kaniyang abuelo.
"Si abuelo entiendo," ang kaniyang sagot.
"Bueno, what is your decisión?" ang tanong ng kaniyang abuelo sa kaniya.
"To make Cairo my wife as soon as possible," ang kaniyang sagot.
Nagtama ang mga mata nila ng kaniyang abuelo bago ito nagtaas sa kaniya ng dalawa nitong mga kilay at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng kaniyang abuelo.
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
Roman d'amourTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...