Chapter 35

743 70 53
                                    


"Buenas tardes majestad," Ishmael greeted his abuelo king Felipe with a slight nod for curtsy. And immediately heard the clucking of his abuelo's tongue a sign of disfavor.

"Por qué siempre tienes que ser formal Ismael? Te dije que me llames abuelo cuando no tengamos público." Ang saad ng kaniyang abuelo sa kaniya na hindi na naman nagustuhan ang kaniyang pormalidad.

"Lo siento abuelo, yo solo... a veces olvido, siempre me recuerdan los protocolos," he explained.

"Well I told you, I bended the protocols a couple of times Ishmael," ang pagpapaalala nito sa kaniya.

Tumango siya at matipid na ngumiti at saka niya nilapitan ang kaniyang mama na nakaupo sa harapan ng mesang nasa hardin na malapit sa gazebo.

"Hola mamá," ang bati ni Ishmael sa kaniyang mama na dumalaw sa palasyo ng kaniyang abuelo kung saan siya nagtungo nang imbitahan siya ng kaniyang abuelo para saluhan ang mga ito na magkape.

Yumukod siya para magawaran niya ng halik ang magkabilang pisngi ng kaniyang mama na gumanti ng matatamis na halik sa kaniyang mga pisngi at mahigpit na yakap.

"Hola mi hijo," ang bulong nito sa kaniyang tenga bago siya nitong muling hinagkan.

Pinakawalan na siya ng mga bisig nitong mahigpit na nakayakap sa kaniya at nakangiti itong pinagmasdan ang kaniyang mukha.

Kinuha niya ang upuan sa tabi nito at ilang sandali pa ay sinalinan na ng kape ang kanilang mga tasa para sa pagsisimula ng kanilang afternoon coffee.

Hindi niya tuloy maiwasan na hindi maalala si Cairo lalo pa at sa lugar ding iyun sila nagkape at hindi niya maiwasan ang bahagyang ngumiti nang maalala niya ang ikinuwento sa kaniya ni Cairo tungkol sa nahulog na mga keso.

"Where is Cairo?" ang tanong sa kaniya ng kaniyang abuelo.

"Cairo's at the site right now with the rest of the crew that will be working with her," ang kaniyang sagot at saka niya dinampot ang kaniyang tasa para humigop ng kape.

"How's your project going?" tanong ng kaniyang mama. At kaniyang inilahad ang progress ng kanilang plano ni Cairo. At taimtim naman na nakinig ang kaniyang abuelo at mama habang humihigop ang mga ito ng masarap na kape at kumakain ng masarap na tinapay.

"Cairo? She's...wow, she's great, I really admire her work, her work ethics, she's very profesional and she's very, very intelligent, honestly she does all the work. The research, the plan, and I mean... all I did was to sign the papers for approval." Ang kaniyang nakangiti at excited na pagkukuwento sa kaniyang abuelo at mama na hindi niya napansin na nagkakapalitan ng mga tingin.

"You look excited hijo," ang sabi ng kaniyang mama nang sandali siyang huminto sa paglalahad.

Mabilis na tumangu-tango ang kaniyang ulo.

"Si soy mama," ang kaniyang nakangiting tugon.

"Everything is coming into place and I am so excited for the finality of our work...well, mostly but the entirety of the project was Cairo's brainchild, I didn't make a mistake for seeking her knowledge, she's not just a pretty face but she has definitely the brains to back up those looks," ang kaniyang pagpapatuloy at muling nagkapalitan ng tingin ang kaniyang mama at abuelo sa ibabaw ng tasang hinihigop ng mga ito.

"Well that's good to here," ang sabat ng kaniyang abuelo pagkatapos nitong ilapag ang tasa sa ibabaw ng mesa.

"When is the ground breaking?"

"Uhm, day after tomorrow," ang kaniyang mabilis na sagot. Iyun ang kanilang target date nila ni Cairo. Gusto niyang masimulan na ni Cairo ang plano nitong gawing Villacenco ang bahaging iyun ng lupain ng Monte de Oro. Not only for the benefit of Monte de Oro but hopefully for his benefit too.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon