I can take Ishmael from you, without even trying so hard, ugh, without trying so hard, yeah right, pero pagpili pa lang ng damit hirap na hirap na nga siya, ang bulong ng kaniyang isipan habang nakaharap siya sa linya ng mga nakasabit na damit sa rack.
Matapos ang ground breaking ay nagpaalam siya kay Ishmael na aalis siya sandali para bumili ng kaniyang isusuot na damit para sa dinner bukas sa palasyo.
At isang ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi habang nakatayo siya sa harapan ng mga nakadisplay na damit nang maalala niya ang mga nangyari kanina.
"I am going to accompany you," ang mabilis nitong sabi sa kaniya. At inilapat ni Ishmael ang palad nito sa kaniyang likod para marahan siyang itulak palayo sa site kung saan isa-isa na ring nag-aalisan ang mga bisita at mga taong dumalo.
Mabilis na umiling ang kaniyang ulo, "no no no," ang kaniyang sambit at tumayo sa harapan ni Ishmael para pigilan ito sa paglalakad.
"Uhm hindi na...ako na lang mag-isa," ang kaniyang giit kay Ishmael na kumunot ang noo sa kaniyang sinabi.
"Ayoko lang na...maabala ka," ang kaniyang pagsisinungaling. Ang totoo kasing dahilan ay hindi niya alam ang isusuot na damit at ayaw niyang malaman ni Ishmael na wala siyang kalam-alam pagdating sa fashion. Iba naman kasi ang nangyaring pagsusukat niya ng dress noong kasal ni Harlow, dahil pinili na ang mga damit para sa kaniya.
Umiling ang ulo ni Ishmael, "hindi mo ako maaabala," giit nito.
Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at napansin niyang bumaba ang mga asul na mata ni Ishmael sa direksiyon ng kaniyang mga labi.
"Uhm...paano ko ba sasabihin, uhm, hindi...I am just not used to...shopping for dresses at mas maiilang ako na mamili," ang kaniyang sagot.
Bahagyang nanulis ang nguso ni Ishmael at unti-unting gumuhit ang ngiti sa mga labi nito saka ito tumangu-tango. He inserted his hands on the front pocket of his trousers while he looked at her while he wore that boyish grin on his beautiful lips.
"Baka kasi kailangan mo nang hihila ng zipper ng dress na isusukat mo," ang nakangiting sagot nito sa kaniya. At naalala niya ang hapon na iyun sa loob ng dressing room at muling nag-init ang kaniyang mga pisngi nang hindi dahil sa init ng araw.
"Pervert ka talaga," ang bulong niya rito habang naniningkit ang kaniyang mga mata. Ngunit katulad nang dati ay hindi ito napikon sa kaniyang sinabi and he only chuckled for an answer.
"C'mon," ang sabi nito sa kaniya sabay hawak nito sa kaniyang pulsuhan at marahan siyang hinila nito papalayo sa natitirang crowd sa event.
Lumingon siya sa mga ito, ayaw niyang makita ng mga natitirang bisita sa event na hawak-hawak ng kanilang prinsipe ang kaniyang pulsuhan. It looks too personal at ayaw niyang gumawa ng anumang tsismis na ikasisira ni Ishmael.
"Seryoso Ishmael, ako na lang mag-isa," ang giit niya rito.
"Ihahatid na lang kita kung ayaw mong samahan kita," ang sagot nito sa kaniya. at nang malapit na sila sa sasakyan nito ay binawi na ni Ishmael ang kamay nitong nakaikot sa kaniyang pulsuhan.
Isang vintage na Bentley ang sasakyan na naghatid dito kanina kaya naman mayroon itong kasama na driver. At ito ang nagbukas ng pinto ng backseat para sa kanila.
Nauna siyang sumakay sa loob at kasunod niya si Ishmael bago marahan na isinara ng driver ang pinto para sa kanila. Hanggang sa tumatakbo na ang sasakyan papalayo sa project site.
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
RomanceTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...