Chapter 39

708 73 21
                                    

Nakatapis ng isang malambot na robe ang basang katawan ni Cairo habang ang kaniyang buhok naman ay nakabalot sa towel na parang turban. At ang kaniyang mga paa ay nakayapak na walang sapin sa marmol na sahig habang nasa loob siya ng silid na kaniyang tinutuluyan sa loob ng palasyo ng hari.

Tiningnan niya ang oras. Ilang oras na lamang at magsisimula na ang dinner party. At hanggang sa mga oras na iyun ay hindi pa rin siya nakakapagbihis ng kaniyang isusuot para sa pagtitipon. At gusto nang kumawala ng kaniyang puso sa loob ng kaniyang dibdib nang dahil sa labis na kaba.

Naubos ang kaniyang oras sa pagmumuni-muni tungkol sa sinabi ng hari sa kaniya kanina habang kumakain sila ng almusal.

Tanging si Ishmael lamang ang makapagpapabago ng takbo ng sitwasyon. Tanging si Ishmael lamang ang makapagdedesisyon kung gugustuhin pa rin nitong ituloy ang pagpapakasal nito kay countess Lily.

Pero sa anong kadahilanan? hindi naman siya ang maaaring maging dahilan. Ang kasal nito kay Lily ay isang kasal para magbenepisyo ang dalawang bansa at alam naman niya na mas uunahin ni Ishmael ang kaharian nito kaysa sa personal nitong buhay.

At saka...sino nga ba siya sa buhay ni Ishmael? hindi siya nito gusto lalo pa at mahal. Ang isang halik sa loob ng sasakyan ay hindi nangangahulugan ng pagkagusto sa kaniya ni Ishmael. He just wanted to taunt her that night na kaya nitong patahimikin ang sarkastiko niyang bibig. he even told her na walang katotohanan ang sinabi nito sa kaniya kagabi. Akala pa naman niya na ang lasing ay nagsasabi ng totoo pero sabi nga ng kanta...maling akala. He will never like her kahit pa mahal niya si Ishmael.

Muli niyang ibinalik ang kaniyang sarili sa kasalukuyan at ang kaniyang problema ng mga sandaling iyun. Alam niya ang kaniyang isusuot dahil nga sa napili na ito sa kaniya kahapon pa lamang. ngunit sa kabila ng kaniyang mga susuutin at pagtuturo kung paano siya mag-aayos ng kaniyang sarili ay parang hangin na dumaan lamang ang mga iyun sa kaniyang isipan at sa sandaling iyun ay hindi na niya alam ang kaniyang gagawin.

Ano ba ang uunahin ko? magbibihis muna bago magmake-up? O magmake-up na muna bago magbihis? Eh ang buhok niya? Kailan niya aayusin? Ang mga gumugulong tanong sa kaniyang isipan.

Humakbang siya palapit sa vanity table kung saan inayos na niya ang kaniyang mga nabiling pangkolorete sa kaniyang mukha kasama ng mga brushes.

Naupo siya sa silyang nakaharap sa salamin at saka niya tiningnan ang mga brushes na kaniyang binili na nakaisang set at sa dami ng mga ito ay hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagamitin.

Brushes, siyempre yung maliit para sa mata, pero alin ba sa mga ito ang dapat na gamitin niya?! Ang sigaw ng kaniyang isipan. at kahit pa sanay siya na magtrabaho under pressure ay sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng pressure at gusto na niyang mag-panic.

"Escort ko pa naman ang hari tapos, mukhang busabos ang kasama niya," ang kaniyang nangingiwing sambit.

"Kung maong na antalon at sneakers lang ang dress code baka kanina pa ako tapos," ang bulong pa ni Cairo. At isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan saka niya tiningnan ang kaniyang sarili sa salamin.

Lalo na ang kaniyang buhok na mahirap ayusin. Paano ang gagawin niya mamaya? Itatali ko na lang ba sa tuktok ng bumbunan ko?

Muli niyang tiningnan ang oras at parang ang tunog ng bawat pag-usad ng kamay ng minuto ay dumadagundong sa kaniyang mga tenga. O baka puso niya ang kaniyang naririnig nang dahil sa labis na kaba?

Call a friend na ba? Kaya lang baka busy si Harlow sa anak nito at kay kuya, ang sabi niya sa kaniyang sarili.

"Shit! You tube!" ang sigaw niya sa kaniyang sarili. Mabilis siyang tumayo mula sa kaniyang kinauupuan para kuhain ang kaniyang teleponong nasa ibabaw ng side yable kung saan naroon ang kaniyang maliit na bag.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon