Chapter 33

798 70 20
                                    

Napasulyap si Cairo kay Ishmael habang pareho silang nakaupo sa front seats ng Mesarati nito at binabagtas nilang muli ang kalsada patungo sa kung saan.

Hindi alam ni Cairo kung saan ba sila patungo nang sandaling lisanin nila ang palasyo ng hari at sumakay sila ng sportscar nito. Ang tanging malinaw lamang sa kaniya nang sandali na iyun ay paalis na sila ni Ishmael ng palasyo at hindi iyun ang natandaan niyang daan pabalik sa bahay nito.

He looked unattached and not himself when he went out from the palace and he marched his way towards her and king Felipe. Even when he bid goodbye was a little stern.

Ano bang nangyari sa usapan ng mga ito sa loob ng palasyo? Ang tanong ng kaniyang isipan.

Muli niyang itinuon ang kaniyang atensiyon sa labas ng bintana at nang mapansin niya ang coastline sa kaniyang tabi ay naalala na niya ang lugar na iyun. Iyun ang daan patungo sa bahay ng mama nito at iyun din ang daan patungo sa sinasabi ni Ishmael na batuhan kung saan nakaupo gabi-gabi ang sirena para pagmasdan ang iniibig nitong prinsipe habang lumuluha nang dahil sa pagdurusa.

"Do you want to open the windows?" ang narinig niyang tanong ni Ishmael. Nilingon niya ito saka siya sumagot.

"Would you mind?"

Umiling ang ulo ni Ishmael at isang matipid na ngiti ang isinagot nito sa kaniya. At hindi rin naman niya napigilan ang kaniyang mga labi na gumanti ng ngiti rito.

Hanggang sa naramdaman niya ang hampas ng hangin na may simoy ng tubig dagat na humahalik sa kaniyang pisngi.

Binawi niya ang kaniyang mga mata kay Ishmael at muli siyang sumilip sa labas ng bintana habang ang malaks na hangin ay nilalaro ang hibla ng kaniyang kulot na buhok na kawala sa pagkakatali nito.

Hanggang sa namataan na niya ang tumpok ng mga bato na nasa dagat. Ang iba ay maliliit at ang iba naman ay nagtataasan.

Iniliko ni Ishmael ang sasakyan nito papasok sa pebbled beach at hindi nagtagal ay nakahinto ang sasakyan ni Ishmael sa harapan ng dagat sa mabatong dalampasigan.

"Magsu-swimming ka?" ang pabiro niyang tanong dito.

Isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Ishmael pagkatapos ay kumunot ang noo nito at ang mga asul nitong mata na singkulay ng malalim na tubig dagat ay nakatuon sa kahambing nito.

"Actually, hindi ko na matandaan kung kailan ako huling nakapag-swimming," ang sagot ni Ishmael sa kaniya.

"Then why not, take a vacation?" ang kaniyang suhestiyon at isang buntong-hininga ang pinakawalan nito.

"Not right now," ang sambit nito, "c'mon, I want to show you something."

At saka nito itinulak ang pinto ng driver side. Sinundan niya ito ng tingin at isang malungkot na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga pisngi bago niya itinulak ang pinto sa kaniyang tabi upang pagbuksan ang sarili.

Isang malalim na hininga ang kaniyang ginawa, "naalala ko tuloy ang Villa Elena," ang kaniyang sambit.

"I told you, pero hindi pa ito ang gusto kong makita mo," ang sabi ni Ishmael at saka nito inabot ang kaniyang pulsuhan. At marahan siyang hinila nito para igiya sa direksiyon na gustong ipakita sa kaniya ni Ishmael.

Nilakad nila ang pebbled beach. Lumulubog ang suwelas ng kanilang mga sa sapatos sa parte na makapal ang mga maliliit na bato. Hanggang sa binabaybay na nila ang mabatong parte ng beach.

"Careful, watch your steps, and...hold my arm," ang bilin ni Ishmael sa kaniya. At ganun naman ang kaniyang ginawa.

Maingat niyang sinundan ang bawat paghakbang ni Ishmael at kumapit ang kaniyang kamay sa bisig nito.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon