Mabilis ang tibok ng puso ni Cairo nang matanaw na niya ang kanilang bahay. Nakiusap siya sa Mayor ng Villa Elena na mapaaga ng dalawang araw ang kaniyang pagtatapos ng kaniyang trabaho sa mga ito. Sinabi niya na may importanteng tao na nagbalik sa kanilang bahay na matagal na niyang hindi nakita at nais na niyang makita na muli.
At laking pasalamat niya na napagbigyan siya ng mga ito. Ngunit, maaga man siyang nagpaalam sa mga ito ay sinigurado naman niya na tapos at pulido ang kaniyang trabaho bago siya umalis. Iginiit pa niya na handa siyang bumalik kung magkakaroon man ng problema at kung may katanungan ay huwag mag-atubili ang mga ito na tawagan siya sa ibinigay niyang numero.
At sa sandali nga na iyun ay nakabalik na siya ng Villacenco at ilang metro na lamang ang layo niya sa kanilang bahay.
Alam niya na nasa bahay nila si Harlow kasama ang baby nito sa kaniyang kuya. Sa kanilang bahay muna ito tumutuloy sa ngayon dahil sa inaayos at nililinis pa muna ang bahay niña Harlow na napagkasunduan ng dalawa na doon manirahan upang matupad ni Harlow ang pangako nito sa ama na muling ibalik ang dating sigla ng rancho.
Halos hindi matapos ang huntahan nila ni Harlow sa telepono noong mga araw na nasa transient house siya sa Villa Elena lalo na sa tuwing tapos na ang kaniyang trabaho at nasa bahay na lamang siya.
Naibsan ni Harlow ang kaniyang pangungulila at kalungkutan habang mag-isa siya sa bahay na tinutuluyan.
Hindi siya nalungkot dahil umalis si Ishmael. Isa pa nga iyung kaluwagan sa kaniya, ang giit niya sa sarili.
"Ugh," ang kaniyang sambit nang maalala niya na pagkatapos ng kaniyang trabaho sa Villa Elena ay sunod na ang trabaho niya kay Ishmael. Ang deal ng kaniyang kuya kay Ishmael para tulungan ito na mahanap si Harlow.
"Saka ko na iyun poproblemahin," ang bulong niya at inalis niya iyun sa kaniyang isipan at napalitan na muli ng kasiyahan at pananabik ang kaniyang nadarama sa kaniyang dibdib nang maabot na niya ang kanilang bahay.
Inihinto niya ang kaniyang sasakyan at mabilis niyang itinulak ang pinto ng driver side. Hindi na niya ginawa pang kunin ang kaniyang luggage sa likod ng kaniyang sasakyan at dali-dali siyang bumaba at inakyat ang front porch ng kanilang bahay.
May liksi ang kaniyang mga binti at paa. Tila ba hindi niya binuno ang mahaba at nakakangalay na biyahe pabalik ng Villacenco.
Itinulak niya ang pinto at nagulat pa ang kaniyang nanay at tatay na nasa salas na nakatayo at nag-uusap.
"Cairo, bakit nandito ka na?!" ang gulat na tanong ng kaniyang nanay. Na sinundan lamang siya ng tingin nang lagpasan at daanan niya lamang ang mga ito sa salas at tinunton niya ang hagdan paakyat sa itaas na bahagi ng kanilang bahay.
"Si Harlow po?" ang kaniyang sagot na tanong ngunit hindi naman siya huminto sa pag-akyat sa hagdan.
"Nandiyan sa itaas," ang sagot ng kaniyang nanay na nakatingala sa kaniya, "Cairo ang sapatos mo!"
"Opo!" ang tangi niyang sagot at dinig ang mga yabag na likha ng kaniyang suot na sneakers sa makintab na sahig ng hagdan at ng second floor landing.
At mabilis ang kaniyang mga paa sa paghakbang habang nagkakandirit nang hubarin niya ang kaniyang suot na sapatos habang patungo sa direksiyon ng silid ng kaniyang kuya.
At hindi na niya ginawa pang katukin ang pinto ng silid at kaniya na lang pinihit ang doorknob at itinulak niya ang kahoy na pinto. At ang gulat na mukha ni Harlow ang bumati sa kaniya. At para sa kaniyang mga mata...mas lalong gumanda si Harlow.
"Cairo!" ang hiyaw ni Harlow ng kaniyang pangalan. At siya naman ay hindi nagsalita at ang kaniyang ginawa ay ang humakbang papasok at yakapin nang mahigpit ang matalik na kaibigan na matagal nang nawalay sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
RomanceTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...