Chapter 37

775 69 46
                                    

"Umm, you should really start producing your own wine tita Celeste," ang sambit ni Cairo matapos niyang higupin ang kulay pulang likidong laman ng kaniyang wine glass.

Nasa bahay sila ng mama ni Ishmael at kasalukuyan na nasa kusina. Matapos nilang mamili ng dress para sa dinner bukas ay nagtungo pa sila sa ibang shop para naman mamili ng sapatos at accessories. At hindi pa doon natapos ang lahat dahil sa nagtungo pa sila sa isang salon para naman bigyan ng trim ang kaniyang buhok at treatment at tinuruan na rin siya kung paano ang magmake-up.

At nang makaramdam sila ng gutom ay sa halip na kumain sila sa isang restaurant ay niyaya siya ng mama ni Ishmael pabalik sa bahay nito para doon ay saluhan ito na mag-dinner.

At pagkatapos nga niilang pasyalan ang vineyard ay agad na naging abala ito sa kusina pagkatapos nitong ilabas ang koleksiyon nito ng mga sarili nitong gawang wine na iba-iba ang taon nang pagkaka-aged. At habang nagluluto naman ng kanilang dinner ang mama ni Ishmael na scallops and pasta at steak medallion.

At kahit wala siyang kalam-alam sa pagluluto maliban na lang sa prito o sa paghahalo ng mainit na tubig ay nagpresinta siyang tumulong sa pagluluto.

Pero mariin na tumanggi ang mama ni Ishmael. Pero dahil sa nagpumilit siya ay pinagbigyan siya ng mama ni Ishmael na maghanda ng green salad at mag-toast ng tinapay.

"You think so?" ang kunot noo nitong tanong sa kaniya habang nakapamewang ang isa nitong kamay at ang isa naman ay may hawak na thongs.

Nilunok ni Cairo ang laman ng kaniyang bibig habang tumatangu-tango ang kaniyang ulo bilang pagsang-ayon.

"Yes tita, just think? You will launch the first wine of Monte de Oro, I mean Spain has their own wine and Monte de Oro should have their own too, and...you will help not only the citizens of this country to earn additional income but also in the export industry of Monte de Oro," ang kaniyang paliwanag.

Tumangu-tango ang ulo ng mama ni Ishmael at saka nito dinampot ang sarili nitong wine glass para higupin ang wine sa baso nito.

"I will keep that in mind," ang nakangiting sagot nito sa kaniya at nagtaas-baba ang mga kilay nito sa kaniya. And the cheeky smile of tita Celeste reminded her so much of Ishmael's boyish grin.

"Ooh I love this," ang sabi ni Cairo sabay tingin niya sa bote na pinagmulan ng wine na kaniyang natikman nang sandaling iyun.

"That was aged, fifty-years," ang sagot ng mama ni Ishmael at muli nitong hinarap ang nilulutong steak.

"Whoah, this... is very expensive," ang kaniyang sambit. Inilapag niya ang bote at saka niya itinuloy ang paglalagay ng olive oil sa hiniwa niyang french bread bago niya isalang sa skillet para tustahin.

Mahinang natawa ang mama ni Ishmael at muling pumihit ang katawan nito para talikuran ang nakasalang nitong kawali sa kalan. At saka naghalukipkip ang mga bisig nito sa sarili nitong mga dibdib.

"I like you Cairo," ang nakangiting sambit nito sa kaniya, "you're different from the other girls that I have met...I love that...you're like me...you drink like a man," Ishmael's mama told her.

She looked into her eyes and they half smiling while they were drawn to her. She was not offended kahit pa sinabi nitong para siyang isang lalaki kung uminom. Dahil sa iyun naman ang totoo. Kaya niyang uminom nang hindi agad nalalasing.

"I hope I didn't offend you," ang mabilis na sabi ng mama ni Ishmael nang hindi siya agad sumagot.

Mabilis na umiling ang kaniyang ulo, "oh no! no, no,no," ang sunud-sunod niyang sambit.

"I am not going to be offended if I know that it's the truth," ang kaniyang sagot.

"I practically grew up in an environment filled with men, our hired hand I mean, and my older brother Canaan taught me how to drink so...no man could take advantage of me by making me drunk," paliwanag niya.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon