Chapter 3

1.2K 79 24
                                    

You're supposed to be with me.

What?! Biglang nakaramdam ng kaba sa dibdib si Cairo nang marinig niya iyun mula sa mga labi ni Ishmael. At mas tumanim pa ang kaniyang mga paa sa kaniyang kinatatayuan at mahigpit na kumapit ang kaniyang mga kamay sa metal railings na tila ba kapag bumitiw siya ay tuluyan siyang mahuhulog. At ang kaniyang mga mata ay napako sa mukha ni Ishmael.

Ang deep blue na mga mata nito ay nakatuon sa kaniya at sinalubong nito ang kaniyang mga tingin. Habang ang isa nitong kilay ay nakataas sa kaniya while his lips twitched when he gave her an amused smile. And she watched how the wind plays with his ash blond hair.

She swallowed hard at malakas niyang nilinaw ang kaniyang lalamunan. At nang makabawi siya sa kaba na nadama ng kaniyang dibdib ay isang malutong na irap ang isinagot niya kay Ishmael.

Mahina siyang natawa, "not gonna happen." Ang kaniyang sambit at ibinalik niya sa kaniyang harapan ang kaniyang tingin. Kahit pa ang kaniyang atensiyon ay na kay Ishmael dahil sa dama niya ang mga mata nitong nakatuon sa kaniya.

"Really?" ang sabat ni Ishmael, "so nagsinungaling pala sa akin ang kapatid mo, he tricked me? Para tulungan ko siya."

"Paano kung ganun nga?" ang kaniyang hamon na tanong. At saka pumihit ang kaniyang mukha sa direksiyon nito at isang malapad na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi para asarin si Ishmael.

Nawala ang ngiti sa mga labi ni Ishmael at tiningnan lamang siya ng mga kulay sapphire nitong mga mata. Bago unti-unting gumapang ang ngiti sa mga labi nito. At ngiti iyun na tila ba ito ang nagtagumpay sa oras na iyun.

Sandaling iniwas nito ang mga mata sa kaniya para sulyapan ang malawak na karagatan sa kanilang harapan at saka ito tumango at nagbuga ng buntong-hininga.

"Very well," sambit ni Ishmael sabay tango nito, "hmmm, hindi pa naman siguro siya nakakaalis ng Alaska sa mga oras na ito, I better call the immigration," ang sagot nito at nakita niyang dinukot nito ang telepono mula sa brast pocket ng suot nitong trench coat.

Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita niyang dumadayal ang daliri ni Ishmael sa phone nito at nagbukas-sara ang kaniyang bibig.

"You wouldn't dare!"

"Try me," ang sagot na hamon ni Ishmael sa kaniya at muli siyang tinaasan ng kilay nito saka nito idinikit ang telepono sa kanan nitong tenga.

Hindi nito gagawin ang bagay na iyun sa kuya niya hindi ba? isa itong bluff!

"Si, Baron? Will you connect to to the immigration of the United States,"-

"No! no!" ang mabilis niyang sambit at halos ihagis niya ang kaniyang sarili kay Ishmael. Gusto niyang agawin ang telepono sa kamay nito kaya naman mabilis siyang gumawa ng paghakbang kasabay nang pag-abot ng kaniyang kamay.

"Give me that!" ang sigaw niya ngunit nang hihilahin niya sana ang telepono ay iniwas ni Ishmael ang kamay nito at bumagsak ang kaniyang sarili sa dibdib nito. at para hindi siya mawalan ng balanse, kumaoit ang kaniyang mga kamay sa balikat ni Ishmael.

Kaya naman magkadikit ang kanilang mga katawan habang ang kaniyang mga kamay ay nasa mga balikta nito at ang kaliwang kamay naman ni Ishmael ay nakaikot sa kaniyang bewang. Habang hawak at nakadikit pa rin sa tenga nito ang telepono.

Pareho silang natigilan at napako ang kanilang mga mata. Ang kulay tsokolate niyang mga mata ay sinalubong ang mga Sapirong mata ni Ishmael. Hanggang sa hindi niya naiwasan na maglakbay pababa ang kaniyang mga mata mula sa pagkakapako sa mga mata nito pababa sa mga labi nitong bahagyang nakabuka. At doon nagtagal ang kaniyang mga mata.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon