Chapter 17

712 61 22
                                    

Nakasakay si Ishmael sa may backseat ng SUV. Pagkahatid niya ng kaniyang sasakyan sa kanilang estate sa kalagitnaan ng siyudad ng Maynila ay agad siyang inihatid ng kanilang katiwala patungo sa airport kung saan naghihintay sa kaniya ang private plane ng mga Malvar.

It was already dark nang maabot niya ang Manila. At habang nakasakay siya sa backseat ay hinayaan niyang balikan ng kaniyang isipan ang naiwan niyang ala-ala sa Villacenco. At lalo na si Cairo.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. Naalala niya ang sinabi nito kanina sa kaniya bago siya umalis nang inihatid niya ito sa bahay nina Harlow pagkatapos nilang magtungo sa siyudad ng Pedrosa.

See you later, ang sabi nito sa kaniya. At saka niya tiningnan ang oras mula sa kaniyang suot na stainless steel watch para tingnan ang oras. It was already seven o' clock at marahil ay nagsisimula na ang dinner ng mga ito.

He watched the busy streets from the backseat window and a sad smile crept into his handsome face. Nanghihinayang siya na hindi makapunta sa dinner. Alam niya kung gaano kasaya ang barbecue dinner na idinaraos sa rancho ng Villacenco. At iyun na rin sana ang pangalawang pagkakataon na makakasama niya si Cairo sa isang hapunan.

Muling napadpad ang isipan niya kay Cairo. Hindi niya nagawang sabihin dito ang kaniyang pag-alis. May dahilan siya at alam niya na magbubunga rin iyun sa huli.

He was lost in his thoughts when the shrieking siund of his phone ringing cuts through the silence of the car.

Binunot niya ang kaniyang telepono sa loob ng breast pocket ng kaniyang suit jacket at napabuntong-hininga siya nang makita niya ang pangalan ng kaniyang abuelo.

"Dónde estás?" ang bungad nitong tanong sa kaniya.

"Voy de camino al aeropuerto, el avión me está esperando," ang kaniyang tugon at nakita na niya na papasok na sila sa loob ng airport kung saan naroon ang kanilang private plane at naghihintay sa kaniya.

"Bueno estaré esperando aquí."

"Buenos dias abuelo," ang pamamaalam niyang sambit at isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. At ilang sandali pa ay nakahinto na sila sa harapan ng eroplanong maghahatid na sa kaniya pabalik sa Monte de Oro ay nanatili pa rin siyang nakaupo lamang sa loob ng backseat.

"Príncipe Ishmael?" ang patanong na pagtawag sa kaniyang pangalan ng kanilang driver. Pinagbuksan na kasi siya ng pintuan ngunit nanatili pa rin siyang nakaupo at walang kibo sa loob ng sasakyan.

Kumurap-kurap ang kaniyang mga mata at sinalubong niya ang mga mata ng kanilang driver na nakatingin sa kaniya.

Kung dati ay pagkahinto ng sasakyan ay hindi na siya hinihintay na pagbuksan siya ng kaniyang aid. Agad siyang lumalabas para magmadaling sumakay sa naghihintay na eroplano, sa sandaling iyun ay nanatili lamang siyang nakaupo sa loob ng backseat.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka siya bumaba ng kotse. Binati siya ng aid na naghihintay sa kaniya at ng kaniyang assistant o secretary na si Francisco.

"Buenas noches su alteza," ang bati sa kaniya nito nang pagtapak niya pababa ng sasakyan.

Su alteza? Yes...everything is going back to his normal life, his mind told him.

Tumango siya bilang pagbati at saka siya naglakad palapit sa eroplano kung saan nakatayo sa ibaba ng hagdan ang piloto nito para siya ay batiin at habang isa-isang sinasabi sa kaniya ng kaniyang secretary ang kaniyang mga magiging mga susunod na engagements.

"Por favor Francisco, podemos hablar de esto más tarde?" ang kaniyang pakiusap at saka siya naupo sa malambot na upuan sa loob.

"Por supuesto, su alteza, qué puedo traerle antes de que tomemos vuelo?" he politely asked him. On his face was his familiar fatherly smile.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon