Chapter 41

678 66 27
                                    

Pasimpleng ibinuga ni Cairo ang kaniyang hininga sa kaniyang bibig habang dahan-dahan silang bumababa ng hari sa mataas na hagdan.

At kung kanina ay nagtama ang mga mata nila ni Ishmael, ay kaniya nang binawi ang kaniyang mga mata rito para ituon ang buo niyang atensiyon sa kaniyang pagbaba ng hagdan.

Umayos ka Cairo, baka idamay mo pa ang hari sa paggulong mo at magaya kayo kina Jack and Jill, ang sabi niya sa kaniyang sarili.

At tila ba ramdam ng hari ang kaniyang agam-agam dahil naramdaman niya ang mahinang pagtapik nitong muli s alikod ng kaniyang kamay.

"I got you," ang narinig niyang bulong nito sa likod ng malapad na ngiti ng mga labi ni haring Felipe.

"Thank you," ang ganti niyang bulong sa likod din ng kaniyang ngiti.

At para siyang nabunutan ng tinik nang lumapat na ang kanilang mga paa sa marmol na sahig ngunit alam ni Cairo na hindi pa tapos ang kaniyang kalbaryo sa paglalakad.

Ayaw niyang maging sentro ng katatawanan at kahihiyan sa gabing iyun lalo pa at kasama niya ang hari bilang kaniyang companion sa gabing iyun.

Maririnig ang mga pagbati kay haring Felipe na sinasagot naman ng pagtango ang bawat pagbati rito. Habang siya ay may nakapagkit na magkahalong ngiti at ngiwi sa kaniyang mga labi nang dahil sa kaba habang patuloy silang naglalakad ng hari patungo sa sentro ng grand hall.

Ano nga ba ang sinabi sa kaniya ng kaibigan na designer ng mama ni Ishmael? stand straight, chin up, and glide, glide...glide like a fucking plane na baka mag-crash landing any minute kapag natapilok siya! ang sabi ng isipan ni Cairo.

Narinig niya ang mga magigiliw na pagbati sa hari hanggang sa pati siya ay naging kasama na sa pakikipag-usap nang ipakilala na siya ng hari sa bawat makakasalamuha nila sa grand hall na puno ng mga dagat na mukha ng iba't ibang lahi at kulay.

"And this is Engineer Cairo McLaury, the lady behind Ishmael's project," King Felipe proudly told the couple from Luxembourg that was standing front of them.

"Maybe someday we'll be needing her expertise too," ang saad ng lalaking ambassador.


Nagpipiyesta ang mga matitingkad na mga mata ni Ishmael habang lumulukso ang kaniyang puso sa kaniyang dibdib. His eyes were pasted on Cairo as she graciously descended the grand staircase with his abuelo walking beside her.

Her dress was of the same color as his eyes and the mermaid dress hugged her beautifully shaped body so perfectly. Lalo na ang mga dibdib nitong bahagyang makikita ang mga makekrema niyong mga pisngi. She looked so seductive yet so elegant. At ang mas nakatawag pa ng kaniyang pansin ay ang demiparure na suot ni Cairo. Iyun ang pares ng mga hikaw at kuwintas na matagal nang nakatago sa kanilang pamilya. Las lágrimas de la sirena.

At bagay na bagay ito kay Cairo. Tila ba sinukat ang mga hikaw sa tenga nito at ang ang kuwintas sa maganda niyong leeg.

At hindi niya namalayan na gumuhit sa kaniyang mga labi ang ngiti dahil sa labis niyang paghanga kay Cairo. At napako ang kaniyang mga mata kay Cairo habang buong pagmamalaki itong ipinakikilala ng hari sa bawat bisita na nasa grand hall.

"She's wearing the legendary demiparure?" ang narinig niyang sambit ni Lily sa kaniyang tabi na mahahalata sa boses nito ang gulat at disgusto. Her lips were partially opened because of disbelief.

Countess Lily was right. Hindi naging tradisyon sa pamilya nila ang magpahiram ng alahas sa hindi miyembro ng royal family lalo na sa isang ordinaryong babaeng hindi pa taga-Monte de Oro.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon