Cairo is really good. He doesn't know anything about farming much more about engineering farming. He studied political science and he was trained to be a good statesman. But for a brief time of listening to Cairo, and how articulate she explains everything, he was able to learn a lot.
You don't have to be a genius para hindi maintindihan ang mga paliwanag ni Cairo. She made everything simple for them to understand things. At habang tahimik lamang siyang nakikinig at nagmamasid ay alam niya na hindi siya nagkamali na piliin si Cairo para pagkunan ng kaalaman para sa kaniyang proyekto sa Monte de Oro.
At hindi na siya makapaghintay na matapos na ang trabaho nito sa Vill Elena at maisama na niya ito pabalik sa kanilang kaharian.
Naging maayos ang pagdaloy ng oras sa araw na iyun. Isang salu-salo para sa tangahlian ang inihanda para sa kanila malapit sa light house. At doon nila nalaman ang kuwento nang tungkol sa dalawang taga-Villa Elena na umibig sa isa't isa at ang lighthouse ang naging saksi.
At ang dating nagkahiwalay na magsing-irog ang ang lighthouse ang naging paraan para magkita muli ang dalawa. At isang malaking bahay sa batuhan na matatanaw ang parola ang ipinatayo ng lalaki para sa kanilang pamilya.
Hmmm, interesting story, ang sabi ng isipan ni Ishmael.
"Sino naman kaya ang susunod na magkaka-inlaban at ang lighthouse ang magiging tulay?" ang tanong ng isa sa mga opisyal ng Villa Elena habang kumakain sila ng masarap na panghimagas.
"Uhm, no not me, wala pa sa isip ko ang mga ganiyan na bagay lalo pa at I am still young and a newbie in my profession, nagsisimula pa lang kumbaga, kaya wala pa sa isip ko ang magkaroon ng relasyon na hindi ko naman mapagtutuunan ng oras at panahon ko," ang sagot ni Cairo.
"Hindi mo masasabi iyan engineer, ang pag-ibig nga raw ay kusang dumarating nang hindi mo inaasahan."
"Nakasara pa po ang puso ko," ang nakangiting tugon muli ni Cairo.
"How about you sir Ishmael? May nagpapatibok na rin po ba ng puso ninyo? Puwede niyo naman pong hindi sagutin kung personal na para sa inyo, sadyang tungkol lang sa pag-ibig ang naging tema ng ating kuwentuhan," ang tanong nito na nabaling na sa kaniya.
Isang ngiti ang kaniyang isinagot at sinabayan niya nang pag-iling ng kaniyang ulo.
"Uhm, none at the moment," ang kaniyang nakangiting tugon.
"Pihikan po ba kayo?"
Kumunot ang kaniyang noo nang hindi niya masyadong nakuha ang salitang pihikan.
"Choosy ka ba, ganern," ang sabat ni Cairo sa kaniya nang mapansin nito ang pagkunot ng kaniyang noo.
He looked at Cairo and the moment their eyes met she gave her a roll of her round eyes, and it made him chuckled to himself. He shook his head before he answered.
"Uhm...no, I am not choosy," ang kaniyang nakangiting sagot. Tiningnan niya ang babaeng nagtanong pagkatapos ay gumalaw ang kaniyang paningin at tinunton nito si Cairo at muling nagtama ang kanilang mga mata.
"I just needed someone that will understand my work. Someone that will understand that...she will have to share my heart and time to my work and...to the people that I am going to serve."
Ang kaniyang seryoso at mariin na sagot habang nakapako ang mga mata nila ni Cairo. At ito ang unang bumawi ng mga mata nito mula sa pagkakapako sa kaniyang mga mata kasabay ng malakas na paglilinaw ng lalamunan nito.
"Then maybe...you should marry your secretary," ang sarkastikong sagot ni Cairo.
Isang mahinang tawa ang kaniyang pinakawalan bago siya uminom ng malamig na tubig mula sa plastic na bote.
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
RomanceTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...