Chapter 52

729 65 40
                                    

"Good morning," ang bati ni Ishmael kay Cairo. Umikot ang mga bisig nito sa kaniyang bewang kasabay ng paghalik nito sa kaniyang pisngi habang nakatayo ito sa kaniyang likuran.

"Good morning," ang kaniyang nakangiting sambit at bahagyang pumihit ang kaniyang mukha sa kaniyang kanan para salubungin ang labi ni Ishmael ng kaniyang mga labi.

"Maupo ka na, ipagsasalin na kita ng kape," ang kaniyang sabi kay Ishmael. Bumulong ito ng thank you sa kaniyang tenga at saka ito naupo sa silya sa harapan ng mesa.

Isang ngiti naman ang gumuhit sa kaniyang labi. At nagsalin siya ng bagong kulong kape sa tasa ni Ishmael at saka niya inilapag iyun sa ibabaw ng mesa sa harapan nito.

"Hmmm, gracias mi amor," ang sabi ni Ishmael sa kaniya at muli niya itong hinagkan sa labi.

They love kissing and touching each other at hindi yata nila mapupunan ang gutom nila sa isa't isa. At hindi siya umaangal.

She loves being close with Ishmael, ang ilang araw na magkalayo sila ay naging mahirap para sa kaniya. She loves to share the table with Ishmael and eat their meals, she loves to shower with him, watch television with him, sleep every night with Ishmael by her side, and waking up the next morning and the first image that she will see is Ishmael's handsome face.

"That smells good," ang sabi ni Ishmael nang simulan niyang maghain ng inihanda niyang almusal.

At iyun ang unang beses niyang lutuin iyun lalo pa at sa Villacenco ay ang kaniyang nanay ang nagluluto para sa kanila.

"What is it?" ang tanong pa nito sa kaniya.

"Ordinaryong breakfast namin sa Villacenco," ang kaniyang nakangiting sagot at bitbit ang dalawang plato ay inilapag niya iyun sa mesa.

"Sinangag at tapa with sunny side up eggs," ang kaniyang nakangiting sagot. Pagkalapag niya ng kanilang pagkain ay naupo na rin siya sa silya sa tabi ni Ishmael.

"Wow! Ikaw ang nagluto nito?" ang hindi makapaniwalang tanong ni Ishmael sa kaniya.

"Uh-huh, nagpasabi na ako kahapon kay Enrique na magstock sa ref dahil balak ko nga na maghanda ng breakfast natin pagkabalik mo," ang kaniyang sagot.

"Thank you, mi amor," ang masayang sabi ni Ishmael at pinagmasdan siya nito nang ipaglagay niya ito ng pagkain sa plato nito.

"I could get use to this, yung gigising tayo every morning tapos, ipaghahanda mo ako ng almusal?" ang sabi ni Ishmael sa kaniya.

Pinagmasdan niya si Ishmael na sinimulan nang kumain. At may pumasok na katanungan sa kaniyang isipan na kaniyang ibinukas kay Ishmael.

"Puwede naman na maging ganito tayo palagi Ishmael," ang kaniyang pasimpleng sambit patungkol sa simpleng buhay na kaniyang kinagisnan at gusto pa rin sanang maging kaniyang patuloy na pamumuhay.

"Hmm, puwede...alisin ko na si Enrique," ang pabirong sagot nito sa kaniya sabay kindat ng mata nito.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan. At matipid na lang siyang ngumiti at sinimulan na rin niya ang kumain.

Nasa kalagitnaan na sila ng kanilang pagkain nang marinig ni Cairo ang pag-ring ng kaniyang telepono.

Nasa kaniyang tabi lang ang kaniyang phone dahil sa nagbilin siya sa kaniyang assistant na tatanghaliin siya ng dating at tawagan na lamang siya kapag may emergency o kung anumang isyu na kailangan niyang malaman.

Agad niyang sinagot ang tawag at kaniyang pinakinggan ang hinaing na naman ng kaniyang mga engineers.

"Okey...I'll be there in a few minutes," ang kaniyang sagot at ang saya na kanina lamang ay nag-uumapaw sa kaniyang puso ay bahagyang nabawasan nang dahil sa agam-agam na dulot ng sinabi sa kaniya ng kaniyang kasamahan.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon