Oo iyun ang kaniyang napagdesisyunan. Nang mapagtanto niya na wala na siyang halos papel sa kanilang pamilya ay naisipan niyang tuparin na lamang ang deal niya kay Ishmael.
Atleast, sa Monte de Oro ay kailangan siya. Hindi niya kailangan na isingit ang kaniyang sarili.
Eventhough she felt unwanted ay naintindihan niya ang kaibigan at ang kaniyang mga magulang. May iba nang pinagbubuhusan ng atensiyon ang mga ito at hindi siya makikipagkumpitensiya sa isang sanggol na kaniya ring minamahal.
Maybe she really needed this trip? Maybe she needed a new location and a new atmosphere. A breather. Tutal ito naman ang pangarap nya hindi ba? ang makapag-travel sa ibang bansa.
Kahit pa may parte sa kaniyang kalooban ang nag-aalangan dahil sa kaniyang naramdaman noong umalis si Ishmael na hindi nagpapalam sa kaniya. She felt hurt.
But maybe she invested her time on him that day. At iyun na ang kaniyang iiwasan. Isasaksak niya sa kaniyang isipan na...lilisan pa rin niya ang Monte de Oro pagkatapos ng kaniyang trabaho.
She will only invest her time but not her heart para hindi siya masaktan katulad ng kaniyang kuya. Masasaktan lamang siya kung pati ang puso niya ay mai-involve sa trabaho.
What was she thinking?! Nakikita ba niya ang sarili niyang mai-inlove kay Ishmael? Ugh!
"Anak nandito na tayo," ang sabi ng kaniyang tatay sa kaniya nang huminto ang pick-up truck nito sa harapan ng tinutuluyan na hotel ni Ishmael sa siyudad ng Pedrosa.
Maghahatinggabi na nang marating nila ang hotel pagkatapos niyang magpaalam sa mga magulang habang hila ang kaniyang luggage.
"Salamat po tatay," ang kaniyang nakangiting sagot. Lalabas na sana siya ng sasakyan nang hawakan ng kaniyang tatay ang kaniyang pulsuhan.
"Anak," ang pagtawag nito sa kaniya nang pigilan siya nitong bumaba.
Nilingon niya ang kaniyang tatay na matipid na ngumiti sa kaniya. At sinalubong niya ang mga mata nitong may pag-aalala sa kaniya.
"Anak, tama man para sa amin ang desisyon mong tumupad sa usapan ay...katulad nang sinabi ni Ishmael, gusto rin namin na...bukal sa iyong kalooban ang pag-alis mong ito." Ang malumanay na sambit ng kaniyang ama.
Isang tikom na ngiti ang isinagot niya sa kaniyang tatay at hinawakan ng malaya niyang kamay ang kamay nitong kamay nitong nakahawak sa kaniyang pulsuhan at marahan niya iyung pinisil.
"Huwag po kayong mag-alala tatay, bukal po sa kalooban ko ang pag-alis kong ito, mabuti na rin na...matulungan ko na rin sila." Ang kaniyang sambit.
"Tama...dahil malaki ang tiwala ni Ishmael sa iyo," ang giit ng kaniyang tatay, "at ipinagmamalaki ka namin, biruin mo, nasa mga kamay mo ang paglutas ng suliranin ng kanilang bansa."
Isang mayabang na ngiti ang isinagot niya sa kaniyang tatay.
"Siyempre, ako yata ang pinakamagaling," ang mayabang niyang sagot.
Mahinang natawa ang kaniyang tatay pero tumangu-tango ang ulo nito bilang pagsang-ayon.
Niyakap siya ng kaniyang tatay at nagpaalam itong muli sa kaniya at nagbilin na agad na tumawag pagkarating nila sa Monte de Oro. Nangako naman siya sa ama na ganun ang kaniyang gagawin.
Hinila niya ang kaniyang luggage at kumaway pa siya sa kaniyang tatay bago siya pumasok sa loob ng spotless glass doors ng malaking hotel.
At humakbang siya sa loob ng isang magarang hotel lobby. Agad niyang tinunton ang front desk at nakiusap siyang tawagan ang silid ni Ishmael para sa kaniyang presensiya.
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
RomanceTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...