Kinagat ni Cairo ang kaniyang labi habang nakakapit ang kaniyang mga kamay at bisig sa pillars ng veranda. Laking pasalamat niya sa mga disenyong gawa sa concrete na tila mga vine na nakapulupot sa mga poste na nakadikit sa pader ng palasyo.
Kung wala ang mga iyun ay siguradong hindi niya maakyat ang veranda ng silid ni Ishmael.
"Ugh, shit," ang nakangiwi niyang sambit habang naghahanap ang kaniyang paa nang matatapakan. Hinila na niya hanggang sa kaniyang bewang ang flouncing part ng skirt ng suot niyang dress at wala siyang paki kung labas na ang panty niya nang sandali na iyun lalo pa at mga puno at halaman na lang naman ang nasa paligid.
Bakit ba kasi hindi ka gumamit ng pinto? Ang tanong niya sa kaniyang sarili while she struggled to pull herself up paakyat sa veranda.
"Kasi naman... alam naman natin... na kapag gumamit ka ng pinto ay...ugh, malalaman ng lahat na nasa... loob ka ng silid ni Ishmael at alam natin... na hindi pakikipag-usap lang... ang gusto mong mangyari," ang mariin at gigil niyang pagkausap sa kaniyang sarili at inisip na lamang niya na malapit-lapit na rin niyang maabot ang metal railing ng veranda.
At kinuha niya ang natitira niyang lakas para hilahin niya ang kaniyang sarili at kaniyang isinabit ang kaniyang binti sa wrought iron railings at hinila niya ang kaniyang sarili hanggang sa makasampa na siya sa veranda.
Idinulas niya ang kaniyang sarili hanggang sa paupo siyang bumagsak sa sahig ng veranda.
"Ugh shit," ang kaniyang bulong at saka niya muling hinila ang kaniyang sarili para makatayo.
Hindi na niya inayos pa ang kaniyang damit. Nakataas pa rin ang kaniyang palda hanggang sa kaniyang bewang at ang off-shoulder sleeves niyang dress ay hindi na sa kaniyang shoulder nakabagsak kundi nasa kaniya nang bisig malapit sa kaniyang siko. At ang kaniyang dibdib ay halos lumuwa na hugis puso na bodice ng suot niyang dress.
Humakbang siya papasok ng silid ni Ishmael. Madilim sa loob at tanging ang malamlam na liwanag lamang na nagmumula sa night lamp ang nagbibigay sa loob ng silid ng liwanag.
Mabilis na pinasadahan ng kaniyang mga mata ang kabuuan ng silid. At kumunot ang kaniyang noo nang walang Ishmael siyang nakita.
Nang biglang bumukas ang pinto sa kaniyang kaliwa at nang pumihit ang kaniyang mukha ay nagtama ang kanilang mga mata ni Ishmael.
He was standing inside sa open door of the bathroom at taning tuwalya lamang ang tatakip sa kahubdan nito sa kaniyang mga mata.
Pareho silang natigilan sa kanilang kinatatayuan. Ngunit nang sambitin ni Ishmael ang kaniyang pangalan ay tila ba tinawag siya nito papalapit. At ang kaniyang mga paa ay nagkaroon ng sariling isip at nagsimulang humakbang papalapit kay Ishmael.
Naglakad din ito palapit para salubungin siya hanggang sa magtagpo sila at tumayong magkaharap sa isa't isa.
"Cairo," ang sambit nito, "I...I have been wanting to," ngunit bigla ito huminto sa pagsasalita at kumunot ang noo nito na tila ba nagtataka.
"Wait...saan ka dumaan?" ang taka na tanong ni Ishmael sa kaniya, "I didn't hear you knocking."
"Eh bakit naman ako kakatok? Eh nakabuyangyang yung pintuan ng veranda mo," ang kaniyang sagot ngunit ang kaniyang mga mata ay wala na sa mukha ni Ishmael.
At nagsimula nang maglandas ang mga mata niya pababa sa malapad nitong dibdib. She could see his pert and flat dark nipples. And her eyes continued its journey down to his flat abdomen, his waist, at sa kulay puting tuwalyang naka-ikot sa bewang nito. Hanggang sa matunton ng kaniyang mga mata ang nakaumbok sa likod ng tuwalya na hindi nito naikubli sa kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
RomanceTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...