Chapter 14

740 56 20
                                    

"Wala ka bang lakad ngayon?" ang narinig ni Cairo na tanong sa kaniya ni Harlow nang lumabas ito ng bahay. Nasa rancho na sila ng mga Lauretta.

Natapos na ang repair at paglilinis ng bahay na napagdesisyunan nina Harlow at ng kaniyang kuya na magiging bahay ng mga ito. At nang sandali nga na iyun ay naging abala na ang lahat sa paglilipat nila ng mga ito ng gamit.

Nilingon niya si Harlow habang winawalisan niya ang front porch ng bahay. Malinis naman na ang loob at ang paligid at para lang maging abala siya ay naisipan na naman niya ang pagwawalis.

"Uh wala...hindi muna ako tumanggap ng trabaho hanggang sa maidaos ang binyag ni Caner," ang kaniyang sagot.

"Hmmm, tapos pupunta ka na sa Monte de Oro?" ang tanong ni Harlow sa kaniya.

"Nasaan si Caner?" ang kaniyang tanong. Pilit niyang iniba ang usapan ayaw na muna niyang mapag-usapan ang tungkol sa Monte de Oro at ang tungkol kay Ishmael.

"Natutulog sa crib niya," ang sagot ni Harlow sa kaniya.

"Wala ba kayong balak na gawan ng nursery si Caner? Tatlo naman ang kuwarto rito sa bahay ninyo?" ang kaniyang usisa. Nilibang niya si Harlow para hindi na nito maalala pa ang tungkol sa Monte de Oro.

"Hmmm," ang sambit ni Harlow saka ito humakbang palabas ng bagong screened door para maglakad papalapit sa kaniya.

"Gusto ko sana kaso...medio kapos pa kami sa Budget ni Canaan, ang dami naming pinagkagastusan, yung loan namin sa magulang mo, yung repair dito sa bahay, tuition ni Canaan, tapos yung sa kasal pa...pasalamat nga kami at nandiyan kayo ni Ishmael para alalayan kami sa binyag ni Caner," ang sagot ni Harlow sa kaniya.

Kinagat niya ang kaniyang dila. Hindi niya sinabi na siya naman ang halos lahat nagplano ng binyag ni Caner at siya rin ang magbabayad sa lahat ng gastos. Ayaw na kasi niyang makipagtalo pa kay Harlow kapag nalaman nito ang nangyari.

Hmmm, pero bakit hindi pa rin siya nakakatanggap ng billing mula kay Miss Skylar? Ang tanong ng kaniyang isipan.

"Walang anuman iyun, siyempre para sa unang paborito kong pamangkin gagawin ko lahat," ang kaniyang sagot. At nagpalitan sila ng mga ngiti ni Harlow.

"Saan nga pala si kuya?" ang tanong niya at itinuloy niya ang kaniyang pagwawalis.

"Kinuha yung mga kabayo at baka na binili namin sa inyo," ang sagot ni Harlow, "ipinagpaliban na muna namin ang pagbili ng mga bagong gamit, maayos pan aman ang mga gamit dito sa bahay, uunahin na muna namin ang kumita ng pera para naman...makapagbayad kami."

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan, "alam mo naman na hindi na pinababayaran nina nanay at tatay ang perang hiniram ni kuya."

Mabilis na umiling si Harlow habang nagsasalita pa siya, "hindi...hindi namin gagawin iyun, kailangan namin na matuto ni Canaan at makapagsimula sa wala, mas...matututo at titibay ang pagsasama naming dalawa."

"Hmmm, kung iyan ang gusto ninyo...susuportahan ko na lang kayo, malalaki na kayo at alam niyo na ang ginagawa ninyong dalawa," ang kaniyang sagot.

"Kamusta nga pala ang coffee date ninyo ni Ishmael?" ang usisa ni Harlow at nang marinig niya ang tanong nito ay agad na namula ang kaniyang mga pisngi.

Agad niyang iniwas ang kaniyang mukha. Tumungo siya at kunwaring abala sa pagwawalis ng sahig ng front porch na mangingintab na sa linis.

"Okey lang, nagkape lang naman kami at kumain ng sandwich, saka...pft, ano bang date ang sinasabi mo? Isa lang siyang kakilala,"-

"Magiging boss mo siya."

"Matagal pa iyun na mangyayari," ang bulong niya.

"Ano iyun?"

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon