Mabilis na tumikom ang mga labi ni Ishmael at nabura ang ngiti sa kaniyang mga labi nang sandaling nakita niyang lumabas mula sa pintuan ng bahay ng kaniyang mama si Lily.
She was smiling widely at her while she walks her way towards him. At napasulyap siya kay Cairo na nanatiling nakatayo at pinagmamasdan din si Lily na nakalapit na sa kaniya.
"Hello su Alteza," ang pagbati nito sa kaniya at bahagya pa itong lumuhod at yumuko sa kaniyang harapan. Napasulyap siyang muli kay Cairo at hindi niya alam kung napansin ba nito ang pagbati ni Lily sa kaniya.
Tumango rin ang kaniyang ulo at kinuha niya ang nakaabot na kamay ni Liliy para marahan na dampian ng kaniyang mga labi ang daliri ng kamay nito.
"It is nice to see you again, Countess Lily," ang tugon ni Ishmael saka nito kinuha ang kamay ni Lily para hagkan ang ibabaw ng kamay nito.
"It is my pleasure to see you again su Alteza," ang mahinhin na sagot nito sa kaniya na sinamahan ng matamis na ngiti ng mga labi nitong nakulayan ng pula.
"Let me introduce you to Engineer Cairo McLaury," ang kaniyang pagpapakilala kay Cairo na muli. At inilahad niya ang kaniyang palad sa direksiyon ni Cairo para ituro ito kay Lily.
"It's nice to meet you Engineer," ang saad nito kay Cairo at iniabot din nito ang kamay kay Cairo.
Napansin niyang tiningnan muna ni Cairo ang kamay ni Lily na napalamutian ng bracelets at singsing na may mga mamahalin na bato. At ang mga kuko nitong nakulayan ng rosas.
At kaniyang tiningnan ang kamay ni Cairo na tanging isang digital na relo ang nasa pulsuhan nito at ang mga kuko nitong pudpod sa pagkakagupit na walang anumang kulay na palamuti.
"The pleasure is mine," ang matipid na sagot ni Cairo na sinamahan ng matipid na ngiti sa mga labi nito.
"Now, let's get inside the house but first let us have drink," ang excited na sabi ng kaniyang mama.
"Will his grace escort me inside the house?" ang malambing na tanong ni Lliy sa kaniya at hindi niya maiwasan na muling sumulyap kay Cairo na parang batang pinagalitan na nakatayo lang s atabi at nanunuod sa kanila. Hindi niya alam kung nagkakaroon na ito ng idea kung sino ba talaga siya dahil sa mga naririnig nito mula kay Countess Lily.
"Of course," ang kaniyang sambit. At saka niya inaabot ang kaniyang braso at doon ay umangkal ang bisig ni Lily at naglakad sila papasok ng bahay ng kaniyang mama.
Habang si Cairo naman at nakasunod sa kanilang likuran na sinabayan naman ng kaniyang mama sa paglalakad.
Pagpasok nila s aloob ay sa living arae sila dumiretso. Naupo sila ni Lily sa sofa habang sa armchair naman si Cairo na nakaharap sa kanila at ang kaniyang mama naman ay abala sa pagsasalin ng wine sa mga nakahandang stemmed crystal glasses.
"It's been a while since I saw you Ishmael," ang sabi ni Lily sa kaniya.
"I have been busy countess,"-
"Oh, why are you so formal? You always call me Lily," ang putol nitong pagpapaalala sa kaniya.
"Uhm," ang kaniyang tanging sambit and he gave her a slight grin. At saka siya napasulyap na muli kay Cairo na tahimik na humihigop ng wine na inabot ng kaniyang mama rito.
"How's the project going on?" ang tanong ni Lily sa kaniya before she daintily sipped her wine.
"We are starting tomorrow," ang kaniyang sagot at kaniyang inilahad ang mga napagmeetingan nila kanina sa kaniyang conference room.
Pinagmasdan ni Cairo si Lily na sa kaniyang pagkakarinig ay isang countess. Hindi nga lang niya alam kung countess ito ng anong bansa o nang mismong Monte de Oro. Pero hindi naman na sa kaniya importante kung saang lugar pa nagmula si countess Lily, ang tanging importante sa kaniya ay ang familiarity between Ishmael ang Lily.
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
RomanceTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...