Why does he have to be so sure of himself! Na tila ba lahat ng gusto nito ay kaya nitong makuha?! Ang sigaw ng isipan ni Cairo habang nakaharap siya sa lamesa kung saan naiwan niya kanina ang kaniyang hapunan na cup noodles at pandesal.
Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakalawan. Mukhang nawala na ang gana niyang kumain, pero kailangan niyang lagyan ng laman ang kaniyang tiyan. Maaga pa lang bukas ay kailangan na niyang bumangon para magtrabaho at hindi niya alam kung makakapag-almusal pa siya. Nakasanayan na kasi niya na sa tuwing nagtatrabaho siya sa malayo ay kape lang ang kaniyang almusal sa umaga. Kadalasan na tangahli na siya kumakain. Sa bahay lamang nila sa Villacenco siya kumakain ng agahan na handa ng kaniyang nanay kasama ang buong pamilya.
At kapag nakabalik na si Harlow ay mas masaya pang lalo ang magiging hapa nila, ang masayang sabi ng kaniyang isipan.
Ngunit nabura ang saya na nasa kaniyang dibdib nang maalala niya ang deal ng kaniyang kuya at ni Ishmael. Ang dahilan kung bakit, pinipeste siya nito ngayon.
Ano ba itong pinasukan mo na deal?! Ang inis na tanong ng kaniyang isipan. saka niya hinila ang silya para makaupo siya sa harapan ng mesa.
"Siguraduhin mo lang na kasama mo si Harlow dahil kapag hindi, hindi mo na kailangan na magpakamatay at ako na ang gagawa niyan para sa iyo," bulong niya sa kaniyang sarili. Saka niya hinila palapit sa kaniyang harapan ang cup noodles at ang isang balot ng pandesal na parehong nawala na ang init.
Itinaas niya ang lid ng noodles saka niya hinalo iyun bago siya sumandok ng mahaba at malabsa nang noodles ng kaniyang maanghang na noodles. Saka siya pumunit ng pandesal para isawsaw sa maanghang na sabaw.
Mabagal niyang nginuya ang pagkain ng kaniyang bibig. Nang maalala niya na hindi siya nag-iisa sa bahay na iyun.
Paanong naging magkatrabaho sila sa project sa Villa Elena? Ang alam niya ay isang local funded na proyekto ito walang nabanggit ang mayor sa kaniya na mayroong involve na foreign funding.
Hindi naman problema sa kaniya iyun, ang problema ay ang nag-fund ng proyekto at naroon iyun ngayon sa loob ng spare room at nagsa-shower. Ang sabi ng kaniyang isipan.
Ngunit hindi lamang bumulong ang isipan niya sa kaniya. Nagsimulang parang telebisyon na naglaro ang kaniyang imahinasyon at ang imaheng nabuo sa kaniyang isipan ay ang naliligong si Ishmael.
Her mind travelled back from what her eyes had seen a while ago, habang nakatayo siya sa tabi ng pintuan at si Ishmael ay nakatayo sa tabi ng sofa at hinuhubad nito ang suot na long sleeved shirt.
He is not muscle bound, yung tipong pumuputok ang mga muscles, but Ishmael's body was well toned with muscles in the right places. At naalala niya nang gumalaw ang mga braso nito nang hubarin nito ang suot na kamiseta ay gumagalaw ang muscles nito. Hindi man nagpuputukan ang muscles ni Ishmael pero mababakas pa rin na kapag pinadaan mo ang iyung palad sa dibdib pababa sa tiyan nito ay matigas ang-
"What are you eating?" ang narinig niyang tanong ni Ishmael sa kaniyang likuran at hindi niya naiwasan ang magitla sa kaniyang kinauupuan.
Hindi man siya lumingon sa direksiyon nito ngunit alam niya na papalapit na ito sa kaniya. Her nostrils flared when she caught a minty and musky scent.
At hindi nagtagal ay tumayo ito sa kaniyang tabi at doon na siya lumingon at bumati sa kaniya ang dibdib nitong walang saplot. At saka gumapang ang kaniyang mga mata pataas para salubungin ang mga mata nitong nakangiti sa kaniya.
He is a virile man who is so damn sure of himself! Sigaw ng isipan niya.
"What are you eating?" ang tanong nitong muli sa kaniya at mula sa kaniyang mga mata ay bumaba ang mga mata nito sa pagkain na nasa kaniyang harapan.
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
RomanceTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...