Pinisil ni Cairo ang kaniyang mga mata para mawala ang pananakit ng mga ito nang dahil sa matagal na pagkakatitig niya sa kaniyang laptop screen.
Ayaw na kasi niyang mag-aksaya ng oras at paabutin pa ng bukas ang gagawin niyang research. Balak kasi niya noong una ay ang makita muna ang area kung saan balak ni Ishmael ang binabalak nitong proyekto na nakasalalay pa rin sa kaniya. at nang maalala niya ang sinabi ni Ishmael sa kaniya ay ramdam din niya ang pressure ng mga sandaling iyun. Kapag pumalpak siya ay mahihila niya pababa si Ishmael at ayaw niyang mangyari iyun.
Ishmael wanted to prove himself first that he is worthy at naniniwala siya rito. Alam niya na magiging magaling na hari si Ishmael lalo pa at inamin nito sa kaniya na, handa itong isantabi ang sarili at ialay ang buhay nito at serbisyo sa bansa at mamayan nito.
At gusto niyang magtagumpay ito sa tulong niya.
"Ugh, so much for tha secret weapon," ang bulong niya sa sarili. At naalala niya ang pagyayabang niya kanina kay Ishmael.
Kaya naman sa halip na makatulog dahil sa ininom niyang wine ay mas lalong naging aktibo ang kaniyang adrenaline at agad siyang nagtungo sa kaniyang silid para magsimula ng kaniyang research at plano.
At mula sa sa mga datos na nakatala sa papel na hiningi niya kanina sa mga taong may kasama nila sa meeting na walang sariling production o harvest ang Monte de Oro. Despite the fact na malawak at mayaman ang lupa nito at may mga anyong tubig na makapagbibigay ng irigasyon. At sinamahan pa ng magandang klima.
Ngunit nanatili lamang na importer ng mga produce both fresh and canned ang Monte de Oro at nanatiling tali ang ekonomiya ng bansa sa mining at tourism.
Para kay Cairo nasasayang lamang ang yamang lupa at yamang tubig ng Monte de Oro dahil sa nakatuon lamang ang mga ito sa yamang mineral ng bansa.
Ibinaba niya ang hawak na ballpen at saka niya tiningnan ang mga nakalatag na papel at notebook niyang napuno niya ng mga notes niya. At nang sa tingin niya ay sapat na ang kaniyang nagawa para bukas ay ininat niya ang kaniyang mga bisig at inikot-ikot niya ang kaniyang bewang at balakang para mawala ang pangangalay sa matagal niyang pagkakaupo.
Itinulak niya ang kaniyang sarili para tumayo at muli niyang ininat ang kaniyang katawan at napaungol siya nang mabawasan ang pangangalay ng kaniyang kalamnan.
Tiningnan niya ang oras mula sa kaniyang relong nakalapag sa mesa kasama ng kaniyang mga papel at ballpen. At nabasa nga niyang lagpas nang alas-dose ng gabi. At kumunot ang kaniyang noo nang mapagtanto niya na lumipas ang gabi na hindi siya gumawa ng tawag sa Villacenco.
Ganun siya naging ka-busy? Ang tanong ng kaniyang isipan. isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka siya naglakad palapit sa nakabukas na bintana ng silid na kaniyang tinutuluyan at bumati sa kaniya ang presko at sariwang hangin.
"Hmmm," ang kaniyang sambit. And she noticed na may pagkakapareho ang lamig ng klima na mayron ang Monte de Oro at ang Villacenco.
"Bakit mo ito ginagawa?" ang bulong niya sa kaniyang sarili. At bahagyang nanulis ang kaniyang mga labi nang maalala niya ang naging usapan nila ni Ishmael kanina nang buksan nito ang damdamin at isipan nito sa kaniya.
She was always driven with her work at ibinibigay niya ang kaniyang one hundred percent sa bawat trabahong kaniyang ginagawa. But Cairo knew that it was different that time.
Dahil sa taong kaniyang pinagtatrabahuan. She wanted him to succeed because...she loves him.
Isang malakas na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka niya kinagat ang loob ng kaniyang pisngi. At isang matipid na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi saka niya pinagmasdan ang palasyong tahanan ni Ishamael na tanaw lamang ang tuktok nito mula sa kaniyang bintana,
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
RomanceTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...