Chapter 34

732 59 29
                                    

Ishmael tried to suppress his yawn. Hindi na nila namalayan ang tagal ng oras na lumipas na kasama niya si Cairo sa loob ng cottage. Pagkatapos nilang ikalat ang mga papel at ballpen sa ibabaw ng dining table, at magkape at kumain ng sandwich na nakulob sa loob ng kaniyang sasakyan.

And that moment he felt the weariness slowly seeping through his body. And it was the first. All his years of working and travelling ay hindi siya agad nakakaramdam ng pagod sa kaniyang pagtatrabaho.

He was always alert and attentive. It was very seldom na makaramdam siya ng antok o pagod habang nagtatrabaho. Working fuels his mind and body, because he was always on edge. He was used to a few hours of sleep with lots of coffee and he doesn't feel sleepy. Kaya naman hindi niya inaasahan na makaramdam ng antok ng mga sandaling iyun.

He again tried to suppress a yawn at agad niyang tinakpan ang kaniyang bibig para hindi iyun makita ni Cairo na kunot ang noong nakatuon ang mga mata sa screen ng computer laptop.

And again, another yawn came into his lips at sa pagkakataon na iyun ay hindi na niya iyun napigilan.

"You can sleep if you wanted to," ang narinig niyang sabi ni Cairo habang ang mga mata nito ay nanatiling nakatuon sa computer screen.

Napakagat siya sa kaniyang labi at si Cairo naman ay huminto sa pagtipa sa keyboard keys at ibinaling nito ang mga mata sa kaniya na kaniyang sinalubong.

"I think even a prince could feel exhausted," ang saad pa nito sa kaniya at tinaasan siya nito ng isang kilay.

He wet his lips and smiled, "hindi pa naman ako inaantok," ang kaniyang pagsisinungaling. At muli lang siyang tinaasan ng kilay nito.

"Uhm, a little?" ang dugtong.

"Hindi mo kailangan na mag-stay ng matagal, ako na ang tatapos ng plano," ang giit nito sa kaniya.

"Puwede ka nang bumalik Ishmael sa bahay mo at matulog, baka marami ka pang commitments bukas na kailangan mong harapin."

Isang malalim na buntong-hininga ang kaniyang ginawa, "hindi pa ako aalis gusto kong mag-stay hanggang sa matapos natin ito," ang kaniyang sagot.

"Baka punit na ang bibig mo sa kakahikab," ang tugon nito sa kaniya habang may matipid na ngiti ang mga labi nito.

Mahina siyang natawa at saka niya itinulak ang kaniyang sarili para tumayo mula sa silyang kinauupuan. Inalis niya ang suot niyang reading glass sa kaniyang mga mata.

"I'll stretch my legs," ang kaniyang sagot at tumango naman si Cairo bilang sagot sa kaniya.

Humakbang siya papalapit sa pintuan ngunit bago pa man siya humakbang palabas ay muli siyang lumingon kay Cairo.

"I'll just step outside for a few minutes do you want me to grab something? Food? Coffee? Tea?" ang kaniyang tanong.

"We all have those dito sa loob ng bahay," ang sagot ni Cairo sa kaniya. Huminto ito at lumingon ang mukha nito sa kaniya para salubungin ang kaniyang mga asul na mata.

She saw a smile on her lips before she speaks, "but thanks for asking."

He nodded for an answer before he pulled opened the door and he stepped outside the front porch of the cottage. And immediately the cool breeze touched his face.

He took a deep breath to fill his lungs with Monte de Oro's fresh air. Before he slowly expelled it through his nose and he blew out a sigh.

Naalala niya ang naging usapan nila ng duke at ni Lily. At muling napuno ng galit ang kaniyang dibdib nang maalala niya ang sinabi ng mga ito na hindi karapat-dapat si Cairo sa trabaho.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon