Hindi naman ako mukhang pera ano? Porke ba isang bagitong o bagitang? May salita bang ganun? Ah basta! Nagsisimula pa lang siyang engineer ay tingin nito sa kaniya na wala siyang pera?! Ang inis na sigaw ng isipan ni Cairo habang tinititigan niya ang dark liquid na tumutulo sa carafe ng coffee maker na nasa maliit na kusina ng cottage.
Magkakrus ang kaniyang mga bisig sa kaniyang dibdib habang nakatayo siya sa harapan ng kitchen counter na may wood and stone accent. At kunot ang kaniyang noo na hinihintay niya ang pagtulo ng pinakuluan na kape sa carafe para sa kaniyang morning coffee.
Hindi naman siya nahirapan na makatulog kagabi hindi naman siya namamahay o namamanglaw kapag nasa ibang lugar siya. Pero nakatulog man siya nang maayos ay hindi naman siya agad na dinalaw ng antok.
Ilang beses pa siyang nagpaikot-ikot sa malambot na kutson ng kama ng silid na kaniyang napili kahapon para tuluyan niya sa kaniyang pagtulog. At iisa lang ang dahilan kung bakit sandali siyang pinagdamutan ng antok at iyun ay ang pagtatalo nila ni Ishmael kagabi.
At hanggang sa sandaling iyun ay ginugulo pa rin siya ng palitan ng kanilang salita kagabi ni Ishmael.
Handa siyang tumanggap ng bayad o sahod sa kaniyang trabaho bilang engineer pero hindi sa pagkakataon na iyun dahil alam niya na ang kapalit ng kaniyang trabaho sa Monte de Oro ay ang pagtulong ni Ishmael sa kaniyang kuya at kaibigang si Harlow.
"Gusto ko nang umuwi," ang bulong niya. Sa Villacenco hindi ako magkakaroon ng ganitong isipin, ang sabi ng kaniyang isipan.
Tiningnan niya ang oras sa suot niyang relo at isang inis na buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan gusto niya sanang tawagan si Harlow para sana makipag-kuwentuhan dito pero alam naman niyang...may ibang prayoridad na ito sa mga oras na iyun. Ayaw naman niyang makaistorbo sa oras ni Harlow sa pamilya nito.
"Igugugol ko na lang muna ang oras ko sa trabaho," ang bulong niyang muli sa sarili. At nang matapos na ang pagtulo ng pinakuluan na kape sa carafe ay kumuha siya ng tasa mula sa cupboard at sinalinan niya ito ng bagong kulong kape at saka niya iyun tinimpla sa kaniyang kagustuhan.
She took her first sip and she let out a sigh of satisfaction when the delicious taste of the fine roasted coffee touched her taste buds.
"Hmmm, sarap," ang kaniyang sambit at muli siyang humigop ng mainit na kape. Tinalikuran niya ang kitchen counter at saka siya naglakad palapit sa mesa nang mapasulyap siya sa bintana na natatakpan ng maninipis na kulay puting kurtina.
Humakbang siya palapit sa bintana habang bitbit ang mug ng mainit na kape. Inilapag niya iyun sa isang buffet table na nasa tabi ng bintana at saka niya hinawi ang kurtina para itulak ang glass shutters at bumati sa kaniya ang malamig na hangin ng Monte de Oro.
Sumilip siya sa labas at saka niya tiningnan ang oras sa kaniyang suot na relo. It was only six in the morning at dahil sa natatakpan ng mga puno ang paligid ng cottage ay hindi masyadong pumapasok ang liwanag ng araw kaya naman may kadiliman pa sa labas.
Wala naman silang napag-usapan ni Ishmael tungkol sa breakfast, ang sabi ng kaniyang isipan. Ugh, paano nga pala eh nilayasan niya ito, ang sabi niya sa sarili.
Hindi bale, sanay naman siya na hindi mag-almusal kapag nasa trabaho siya at nasa ibang lugar, ang sabi niya sa sarili habang nakatanaw pa rin siya sa labas ng bintana.
"Hmmm," ang sambit niya at saka niya dinampot ang kaniyang mug ng mainit na kape at saka siya lumbas ng pintuan.
Mabuti na lang at naisipan niyang sweater at jeans ang dalhin na damit at akma ang kaniyang mga baon na damit sa klima ng Monte de Oro. May kalamigan ang klima sa lugar na iyun at marahil na rin siguro dahil sa buwan ng taon na iyun.
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
RomanceTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...