Chapter 4

1.1K 71 21
                                    

"It is an honor that...our small province...town of Villa Elena was chosen as beneficiary of Reino Monte de Oro," ang magalang na sabi ng LGU officer ng Villa Elena sa kaniya noong hapon na dumating siya sa maliit na bayan na iyun.

Though it was a custom of his kingdom to find beneficiaries to give for both aid and development and rehabilitation, that moment was different from the others.

Nakapili na kasi ang kanilang pamunuan ng lugar na tutulungan at noon pa man ay isang lugar o bansa lang ang kanilang tinutulungan sa loob ng isang taon para maituon at maibuhos nila ang lahat ng tulong na kakailanganin.

Kaya naman biglaan ang kaniyang pagtungo sa Villa Elena, isang lugar na hindi rin siya pamilyar kung hindi lang sinabi sa kaniya ni Canaan ang tungkol sa lugar na iyun. At dahil sa kailangan niya ng reason para makapag-stay pa siya ng ilang araw sa bayan na iyun ay kinailangan niyang idaan sa isang humanitarian and official visit ang kaniyang presensiya.

"I am sorry if I just came here unannounced, a firend of mine suggested me this town of yours at dahil sa nandito na rin naman ako sa Pilipinas, I took advantage of that opportunity and went straight here," ang kaniyang tugon na may malapad na ngiti sa kaniyang mga labi habang nakikipag-usap sa mayor ng Villa Elena.

"You don't have to apologize sir and please, extend our gratitude to king Felipe for choosing Villa Elena, kailangan po talaga namin ng tulong," ang tugon nito. At doon na nga niya nalaman ang tungkol sa proyekto ng bayan na kahalintulad ng kaniyang proyekto sa Monte de Oro at doon na rin niya nalaman ang kabuuan nang trabaho ni Cairo sa Villa Elena.

"Oh here," ang kaniyang sambit at saka niya hinugot ang kaniyang checkbook at doon ay isinulat niya ang malaking halaga na idodonate niya sa bayan ng Villa Elena. Hinila niya ang piraso ng papel at iniabot niya iyun sa kamay ng mayor na, ng makita ang malaking halagang kaniyang itinala sa check ay nanlaki ang mga mata nito.

"This, is a big amount sir Ishmael," ang hindi makapaniwalang sambit nito.

"It is our pleasure to help your community, we trusts the projct of your town and I-I mean we our willing to support it," ang kaniyang tugon.

Ibinahagi rin niya ang kalagayan ng kanilang bansa at ang pagkakahalintuald ng kanilang mga proyekto. Kaya naman, humingi siya ng pahintulot na mamalagi sa bayan para maging observer sa nasabing proyekto para magkaroon na rin siya ng ideya kung paano ang magiging operation na magagamit niya sa kaniyang magiging proyekto naman sa Monte de Oro.

"Of course sir! Kahit gaano kayo katagal na mag-stay po dito...you are so much welcome in our town," ang magiliw at excited na sabi ng mayor ng Villa Elena.

"Thank you, well I won't be bothering you any longer and I too have to retire, I've been travelling for long hours already," ang kaniyang magalang na pagpapaalam. Tumayo na siya mul sa silyang nasa tabi ng office table nito.

"Naku, I have to apologize if we didn't have any reservations para sa tutuluyan po ninyo," ang paghingi ng paumanhin ng mayor na tumayo na rin mula sa silyang kinauupuan nito sa likod ng office table nito.

Umiling ang kaniyang ulo at sinabi niyang hindi kasalanan ng mga ito dahil sa hindi rin naman siya nagpasabi ng kaniyang biglaan na pagdating.

"We don't have hotels here in Villa Elena, most of them are in San Vicente, the only transient guest house that we have was now occupied by Engineer,"-

"Cairo McLaury," ang kaniyang putol sa sasabihin ng mayor kaya naman nakita niya ang gulat sa mga mata nito. It is obvious na hindi nito inaasahan na kilala niya si Cairo.

"Kilala niyo po si Engineer McLaury?" ang gulat nitong tanong sa kaniya.

"Yes, she works for me and, didn't I tell na you na, nalaman ko ang tungkol sa Villa Elena nang dahil sa isang kakilala?"

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon