Chapter 2

1.3K 74 16
                                    

Binasa ni ni Ishmael ang mga report na nakalapag sa harapan ng kaniyang mesa. Napabuntong-hininga siya saka niya pinisil ang buto ng kaniyang ilong sa pagitan ng kaniyang mga mata. At saka niya inalis ang reading glasses sa kaniyang mga mata at inis na inilapag iyun sa ibabaw ng malapad niyang mesa.

Report iyun tungkol sa food shortage na nararanasan ng kanilang bansa. Oo mayaman ang Reino Monte de Oro dahil sa marami silang ginto ngunit dahil sa modernization at industrialization ay unti-unti nang nawawala ang atensiyon ng kanilang mamayan sa pagtatanim at pagsasaka.

Ilang taon na silang umasa sa mga import na produkto lalo na ng kanilang pagkain na isa sa pinaka-importanteng pangangailangan ng kanilang bansa. At dahil nga sa mayroong nangyayaring giyera ang supply ng pagkain sa kanila ay nagkaroon ng pagkaantala. At dahil na rin sa mataas ang demand ng mga basic food nila tulad ng trigo, bigas, at mga gulay. Maging ng karne katulad ng baka ay tumataas na rin ang presyo ng kanilang pag-aangkat at ang presyo nito sa mercado. Kaya naman nakaranas din sila ng inflation kahit pa mayaman na silang bansa.

At bilang hahalili sa trono ng hari, ang kaniyang abuelo, he was given that task to find a solution on the food problem on their country.

Tumayo siya mula sa kaniyang kinauupuang silya at saka siya humakbang palapit sa naglalakihang mga bintana ng kaniyang opisina sa loob ng kaniyang sariling casa de campo na nasa loob din ng compound ng estate na tinutuluyan ng hari.

Tumanaw siya sa labas at pinagmasdan niya ang well-manicured lawn just outside his cottage. Dati ay kuntento na siyang tumayo lamang sa harapan ng bintana at pagmasdan ang hardin ng estate. O di kaya ay magdi-drive siya hanggang sa marating niya ang coastal area ng Monte de Oro at mauupo siya sa hood ng kaniyang sasakyan para pagmasdan ang papalubog na araw.

Ngunit mayroon na siyang lugar na nais na makita na muli at iyun ay ang Villacenco. Mula nang marating niya ang Villacenco ay halos ilang beses sa isang buwan siyang nagpupunta ng Pinas para dalawin ang kaniyang pinsan na tunay na nakalinya sa trono ng hari.

Ngunit mas pinili nito ang buhay nang isang ranchero at hindi naman niya ito masisisi. With his land, his beautiful wife, and beautiful children? A man could never ask for more when he's already living in heaven.

And he too fell in love with Villacenco. He even studied the local language para maging natural ang kaniyang pakikisalamuha sa mga taga-rancho. And that moment he wished that he was in Villacenco.

But he is the spare at wala nang iba pang magmamana ng trono para pamunuan ang maliit nilang kaharian ang Monte de Oro. At handa siyang ibigay ang lahat ng kaniyang kakayanan, panahon, at pagmamahal sa kaharian na kaniyang pamumunuan. At pangako niya na mas uunahin niya ang kapakanan ng Monte de Oro kaysa sa kaniyang sarili. "La gente primero."

Pero, mayroong isang nagpapawala sa kaniya sa kaniyang focus sa buhay. At hindi niya magawa itong malimutan kahit pa ibaon niya ang kaniyang sarili sa pagtatrabaho o sa bundok na ginto na myroon ang Monte de Oro. It was like an itch na hindi niya magawang kamutin para mawala na lang sa kaniyang sistema.

Kinagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi at nang maalala na naman niya ang tawag na natanggap niya mula sa kaniyang pinsan ay nakaramdam na naman siya ng inis.

He was hoping na matutulungan siya ni Lucas but, no, and all he ever wanted was to get her. To make Engineer Cairo McLaury to work for him. He needed her knowledge tungkol sa agricultural engineering. Ang pagsisimula nang makabagong paraan nang pagtatanim ang naisip niyang solusyon para maging independent kahit papaano ang kanilang bansa sa pag-angkat ngpagkain. At sa oras nang hindi magandang pangyayari ay kaya nilang suportahan ng mamayan nang pangunahing pangangailang ng mga ito at iyun ang pagkain. Walang kuwenta ang ginto kung walang mabibiling pagkain. At walang kuwenta ang halaga nito kung mas magmamahal pa ang presyo ng bilihin hindi lamang sa Monte de Oro kundi sa buong mundo na nakararanas ng inflation sa panahon na iyun.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon