Nanginig ang mga labi Cairo at tila ba binuhusan siya ng malamig na tubig nang manlamig ang buong niyang katawan. Mas gugustuhin pa niyang makakita ng multo kaysa sa sinabi ni haring Felipe.
Hindi kaya napasama ang pagkakahimatay nito at hindi na ito makapag-isip ng maayos? Tanong ng kaniyang isipan.
Pinilit niyang banatin ang kaniyang mga labi para sumagot ng ngiti at hindi mapansin ng mga ito na muntik na siyang manigas nang dahil sa sinabi ng hari.
Ramdam niya na tila ba mapupunit ang kaniyang pisngi sa pilit na pagkakabanat ng kaniyang mga labi.
Tiningnan niya si Ishmael na nakatuon ang mga mata nitong sing asul ng mamahaling bato and his face was placid. At saka pumihit ang kaniyang mukha para naman tingnan ang mga kulay langit na mata ni haring Felipe na naghihintay ng reaksiyon mula sa kaniya.
"Uh-Uhm," at saka niya nilinaw ang nanuyo niyang lalamunan, "m-marriage? C-crown...q-queen?" ang nautal niyang sambit sa pagitan ng pilit niyang ngiti.
Napasulyap siya kay Ishmael na tila ba humihingi siya ng tulong dito para sabihin na hindi nila muna kailangan na magpakasal o di kaya naman ay hindi muna siya koronahan.
Pero sa tikom na ngiti na iginawad sa kaniya ni Ishmael na sinamahan pa nito ng pagtango. Alam na niyang wala siyang makukuhang pagtanggi mula kay Ishmael.
"Uhm, uh," ang kaniyang sambit at hindi niya alam kung anong kaniyang sasabihin. Mukhang hindi lang si Ishmael ang nakapagpatahimik sa kaniya ng mga sandaling iyun. Talaga ngang mag-lolo ang dalawa.
"B-but, I am not yet ready your majesty," ang kaniyang mariin na sagot at nagtaas ang kaniyang dalawang kilay para bigyan ng diin ang kaniyang sinabi.
"Ready? Why? Don't you love my grandson?" ang nakangiting tanong nito sa kaniya at sinulyapan nito si Ishmael kaya naman ganun din ang kaniyang ginawa.
Tiningnan niya si Ishmael at nagtama ang kanilang mga mata. At nakatikom ang mga labi nito habang naghihintay ito ng kasagutan niya.
Umiling ang kaniyang ulo. "I love Ishmael, it is just that...I am not ready to serve as Monte de Oro's queen...I haven't completed learning about the protocols, the rules, the culture, and... and such...I uh I still have to learn so many things."
"I haven't even learn your language," ang giit pa niya.
Nagkibit ng mga balikat nito si haring Felipe, showing them that what she had just narrated were not of importance.
"You will learn everything whilst being the queen of Monte de Oro, and I know that you are a very smart girl, you will learn these rules, etiquettes, courtesies, and practices in no time," ang giit ni haring Felipe kaniya.
At sandali silang tumigil nang pumasok ang butler dala ang hiningi ni harinf Felipe na salad kuno, at tray ng tsaa.
Ipinagsalin sila ng tsaa at inabot ni Ishmael sa kaniya ang kaniyang tasa at isang mahinang thank you ang kaniyang sinabi.
"Well? Everything is prepared, the preparation was undergoing anyway," ang pagpapatuloy ng hari.
"Celeste will help you with your wedding dress and coronation dress," ang dugtong pa nito at nanikip na lang ang kaniyang lalamunan kaya hindi na niya nagawa pang magsalita.
"Uhm," ang kaniyang sambit. At naramdaman niyang hinuli ni Ishmael ang isa niyang kamay at marahan nitong pinisil.
"Should...should there be any practice first?" ang kaniyang umaasang tanong para man lang maudlot pa ang kasal.
"We will make it simple this time, you will have your wedding march and after that while you and Ishmael are infront of the altar both of you will be crowned king and queen of Monte de Oro."
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
Storie d'amoreTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...