Nanatiling tikom ang mga labi ni Cairo hanggang sa marating nila ang boutique ng isang bilihan ng mga dress sa Pedrosa. At dahil sa mamimili at magsusukat pa lamang sila ni Harlow ay pinagbigyan sila ng may-ari at designer ng mga dress na exclusive para sa kanila ang dalawang oras ng shop.
Pagkapasok nila ay malugod silang tinanggap ng deigner and owner ng shop. At mas lalong lumapad ang ngiti sa mga labi nito nang pumasok sila sa loob na kasama si Ishmael.
"Oh, my," ang nakangiti nitong sambit habang ang mga malalantik nitong mga pilikmata dahil sa makapal na mascara ay nakatuon kay Ishmael.
"Uhm, I didn't know that you will be accompanied by the groom, hindi iyan pupuwede." Ang sambit nito na may halong pagpapaalala na may kasamang lambing.
"Uhm no! hindi po siya ang groom, guest at ninong po siya, sa binyag ng anak ko," ang mabilis na pagtatama ni Harlow. At kitang-kita ni Cairo kung paanong nanlaki at nagliwanag ang mga mata ng designer nang marinig ang sinabi ni Harlow. Ngunit medyo nag-alangan pa ito nang mapansin nito si Ishmael na nakatayo sa kaniyang tabi.
"Uhm, oh, boyfriend mo siguro siya," ang nahihiyang sabi nito sa kaniya.
"Uhm, hindi," ang mabilis niyang sagot. At saka siya sumulyap kay Ishmael and she saw his jaw twitched.
"Well! That would be lovely, here please have a seat, and you are?" ang muling sambit ng designer at sa pagkakataon na iyun ay kinuha na nito ang pagkakataon na kilalanin ni Ishmael.
"I'm Ishmael madame," ang magalang na sambit ni Ishmael at inabot nito ang kamay sa designer na halos magpang-abot ang mga ngiti sa magkabilang tenga nito.
"Oh, I'm Desiree," ang malambing nitong tugon kasabay nang pag-abot ng kamay nito sa kamay ni Ishmael.
Ugh, obvious na may gusto ang designer kay Ishmael, jusko, ano bang kagusto-gusto sa lalaking iyan? ang tanong ng kaniyang isipan habang nakatingin siya at nakakunot ang noo sa dalawa. And she couldn't help herself not to grimaced.
Naupo na si Ishmael sa isa sa mga couches na nasa receiving area kung saan mayroon din isang malaking salamin at sa harapan nito ay isang hugis bilog na tila tapakan ng gustong magsukat ng damit.
Nagpaalam na si Harlow kay Ishmael para iwan nila ito habang sila ay magiging abala sa pagpili ng mga damit na isusuot nila sa kasal nito.
"Take your time ladies," ang nakangiting tugon nito sa kanila.
"Oh, thank you, Desiree," ang sabi nito sa designer at may-ari ng shop nang ilatag nito sa coffee table ang tray ng mga cups at carafe ng mainit na kape.
"You're welcome," ang magiliw naman na sagot nito kay Ishmael. At nang sumulyap ang mga azul nitong mga mata sa kaniya ay napansin niyang bahagyang naningkit ang mga iyun. At isang malutong na irap naman ang kaniyang isinagot dito.
***
"O bakit nakasimangot ka?" ang tanong ni Harlow sa kaniya habang isinusuot nila sa loob ng dressing room ang ilan sa mga dress na inihanda na sa kanila ng designer.
"Hmm? Hindi ah," ang kaniyang sagot. At saka niya hinila ang zipper ng dress sa likod ni Harlow. Hinayaan niyang mauna ito na makapili ng dress na isusuot. Mas importante ang bride kaysa sa kaniya.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Harlow, "para namang hindi kita kilala. Ang tugon nito at saka niya sinalubong ang mga mata ng kaibigan sa may salamin kung saan naroon ang kanilang repleksiyon na dalawa.
"Hindi nga...gutom lang ako, hindi na kasi ako nakakain kanina," ang kaniyang pagsisinungaling.
"O eh di mabuti dahil nakapangako tayo nang meryenda kay Ishmael, doon ka na bumawi ng pagkain mo," ang tugon nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Cairo McLaury (completed)
RomanceTactless and sarcastic, that's Cairo McLaury. A free-spirited young woman who loves her independence and career but most of all her family, friend, and the land where she was born. Nothing can keep those away from her. Until she met...Ishmael Malvar...