Chapter 43

796 71 94
                                    

Napalunok si Ishmael and his throat tightened that very moment while he was standing at the center of the grand hall with his abuelo at his side.

He already accepted that, that night it will be publicly announced that he is going to be the next heir to the throne of Monte de Oro and that his coronation will soon take place.

He already accepetd that the announcement about his coronation will push through, despite his request to his abuelo to make some delays until the completion of his project.

But the announcement about his engagement with countess Lily? He was not ready for that. Yes! He was ready before, and that was before he met Cairo. Before he fell in love with Cairo.

Pero ayaw niyang mapahiya ang kaniyang abuelo sa harapan ng maraming tao, ang sabi pa ng kaniyang isipan. And his sapphire blue eyes scanned the sea of faces while he was trying to search for Cairo's face. Pero hindi niya ito nakita.

Isang nakabibinging palakpakan ang namayani sa grand hall habang naninikip ang kaniyang lalamunan sa labis na emosyon.

He wanted to shout and yell at everyone na hindi sila dapat magbunyi. Walang dapat na ipagbunyi at itigil na nila ang kanilang mga palakpakan dahil hindi...hindi siya masaya sa sandaling iyun.

He clenched his jaw and his fist as he tried his best not to burst his emotions. He was trained to show no emotions para hindi malaman ng kaniyang mga nakakausap kung ano ba ang nilalaman ng kaniyang isipan. Isang trait na kailangan ng isang hari para hindi malalaman ng kaniyang kausap kung ano ang naglalaro sa isipan niya.

Pero nang sandali na iyun ay labis siyang nahirapan na itago ang kaniyang damdamin dahil sa nanikip na ang kaniyang lalamunan dahil sa labis na emosyon na kaniyang kinikimkim. Emosyon nang labis na sakit.

Walang mababakas na emosyon sa kaniyang mukha nang tumabi si Lily sa kaniya at tumayo silang dalawa sa gitna ng grand hall. At nang dahil sa hindi kumilos ang kaniyang kamay ay si Lily na ang kusang humawak sa kaniyang kamay para magdaop ang kanilang mga palad.

"Ishmael, hold my hand please," ang narinig niyang sambit ni Lily habang naninigas ang mga labi nito sa pilit nitong ngiti. Maaaring napansin din nito na wala siyang anumang pagpapakita ng emosyon.

Isang buntong-hininga ang kaniyang pinakawalan at saka umiling ang kaniyang ulo. And his body quickly turned to face his abuelo who was watching him with his old but intelligent eyes.

Umiwas ang kaniyang mga mata, "I'm sorry," ang bulong niya and then he lifted his gaze and again he met his abuelos sky blue eyes.

"Lo lamento," he whispered and he lifted his gaze to meet his abuelo's sky blue eyes and he shook his head.

"Lo siento abuelo...I...Yo... necesito un poco de aire," at saka siya dali-dali na naglakad papalayo sa kaniyang abuelo at kay Lily na nanlalaki ang mga matang sinundan siya ng tingin.

Ramdam niya ang mga matang nakahabol sa kaniya ngunit sa sandali na iyun ay wala siyang pakialam. Kailangan niyang lumabas ng grand hall kung hindi ay baka tuluyan na siyang hindi makahinga sa paninikip ng kaniyang dibdib sa labis na emosyon na laman ng kaniyang dibdib.

And once he stepped outside the palace his lungs grasped for air. Isang malalim na hininga ang kaniyang kaniyang hinagap habang nakalapat ang kaniyang palad sa kaniyang dibdib.

He took several deep breaths at saka siya tumingala sa langit. At sa kaniyang mga mata ay tumambad ang malawak na kalangitan na sinabuyan ng mga bituin.

Ibinaba niya ang kaniyang tingin at saka nagpalinga-linga ang kaniyang mukha para hanapin si Cairo.

"Cairo," ang bulong niya at muling nagsimulang humakbang ang kaniyang mga paa para galugarin ang labas at paligid ng palasyo.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon