Chapter 50

774 68 44
                                    

"Hindi ako makapaniwala! Ikaw? Ugh ibig sabihin bakla si Ishmael?!" ang hindi makapaniwala na tanong ni Canaan sa kabilang linya nang mailahad na nila sa kaniyang kapatid ang katotohan patungkol sa relasyon nila ni Ishmael at ang katotohanan patungkol sa balitang aksidenteng napanood ng mga ito nang maghanap ng mapapanood na news si Harlow habang nasa dalawang araw na bakasyon ang dalawa sa Batangas.

"Walanghiya ka talaga, ugh kung alam mo lang na ang daming patay na patay sa aking lalaki rito sa Monte de Oro, mga hindi ko lang pinapansin dahil si Ishmael nga ang gusto ko, kaya...tigilan mo na iyang kakaisip mong walang magkakagusto sa akin dahil sa...ugh...gandang McLaury ito," ang mayabang niyang sagot.

"Pfft wala naman akong nakitang ganda."

"Palibahasa mukha kang t*e ng baka kasi doon ka lang pinulot," ang sagot na pang-aasar ni Cairo. habang nakaupo siya sa may harapan ng dining table at si Ishmael naman ay inihahanda sa mesa ang inihatid ni Enrique na hapunan.

Sumulyap sa kaniya si Ishmael at kinunutan siya nito ng noo at bahagyang bumuka ang mga bibig nito habang nakatayo ito at inaayos ang mga kubyertos.

Tinaasan lang niya ito ng dalawang kilay at malapad niyang ngitian ito habang nakadikit pa rin ang telepono sa kaniyang tenga.

"Ugh, jusko Cairo, may...ano...uhm...meron na bang?" hindi k opa rin maisip, nag...nag...?"

"Nagjugs na kami kuya," ang kaniyang sagot nang hindi maituloy ni Canaan ang sasabihin nito.

"Ano ba Cairo! napaka-brutal talaga ng bunganga mo!"

"Akala mo naman kung sino kang mahinhin, kung anu-ano na nga ang kinain niyan!"

"Ugh jusko...argh! Hindi pa rin ako makapaniwala, nagbilin ako diyan kay Ishmael tapos...argh! Hindi ko maisip!" ang singhal ng kaniyang kuya sa kabilang linya at nakikita niya sa kaniyang isipan ang hitsura nito. Para itong león na pabalik-balik na naglalakad habang naghihilamos ito ng mukha gamita ng palad nito.

"Tanga ka eh di huwag mong isipin!" ang natatawa niyang sagot.

"Pakausap nga kay Ishmael na iyan!" ang sabi ni Canaan sa kaniya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa silya at saka siya lumapit kay Ishmael para iabot ang kaniyang telepono.

"He wants to talk to you," ang kaniyang sabi kay Ishmael na walang pag-aalangan na kinuha sa kaniya ang telepono.

Kinuha ni Ishmael ang telepono na nakalahad sa kamay ni Cairo nang tumayo ito sa kaniyang tabi. Matagal na rin niyang hinintay ang sandaling iyun na ipagpaalam na ang relasyon nila ni Cairo sa pamilya nito.

Idinikit niya ang telepono sa kaniyang tenga at bago pa man siya nakapagsalita ay matunog na hinalikan ni Cairo ang kaniyang bibig.

"Ew! Huwag ka kayong maghalikan na naririnig ko!" ang sigaw na angal ni Canaan at nag-uumapaw ang boses nito sa telepono.

"Loko ka Ishmael abusado ka!" ang singhal pa nito sa kaniya.

"Kamusta ka? Kamusta na kay Harlow at sa inaanak ko?" ang kaniyang bati kay Canaan.

"Mabuti naman sila, pero... huwag mo ngang ibahin ang usapan, hindi ba sabi ko bantayan mo kapatid ko? Bakit sinalakay mo?!" ang sumbat sa kaniya ni Ishmael.

Napasulyap siya kay Cairo at nagsalubong ang kanilang mga mata habang nakataas ang dalawa niyang mga kilay at kumunot naman ang noo ni Cairo sa kaniya at ito ang nagtuloy ng paghahanda ng hapag.

"I love her Canaan, I love Cairo, and huwag kang mag-alala, pakakasalan ko si Cairo at sa lalong madaling panahon," ang kaniyang pangako kay Canaan.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon