Chapter 45

919 65 39
                                    

"Hindi ako makapaniwala na inakyat mo ang veranda ng nakadress," ang sambit ni Ishmael habang magkatabi silang nakahiga sa kaniyang kama at nakaunan si Cairo sa kaniyang balikat.

Mahinang natawa si Cairo, "talent namin ang pag-akyat ng mga bahay, kaming mga taga-Villacenco."

Napaatras ang ulo ni Ishmael kasunod ang pagkunot ng noo niya.

"Talent?" ang tanong niyang may halong pagtataka.

"Uh-hmmm."

"Mga akyat bahay ba kayo?" ang natatawa niyang tanong.

"Sila kuya ang mga alamat, neophyte pa lang ako," ang natatawang sagot ni Cairo na mabilis na nagtaas-baba ang mga kilay.

Mahina rin siyang natawa. Hindi niya alam kung nagsasabi ng totoo o nagbibiro lang si Cairo dahil natural na rito ang pagiging sarkastiko.

"Well, you beat them," ang kaniyang sagot habang nagtaas-baba ang kaniyang kamay sa makinis nitong likod.

"I did?"

"Yup," ang kaniyang sagot at naramdaman niyang gumalaw ang ulo ni Cairo. At mula sa pagkakahiga ng ulo nito sa kaniyang balikat ay umangat iyun para tingnan siya sa kaniyang mga mata.

He turned his head at nagtagpo ang kanilang mata. A few strands of her soft curls, covered her face. And his fingers gently smoothed the loose strands and tucked them behid her ear.

"Bakit mo naman nasabi na natalo ko sila?"

"Kasi...naakyat mo ang veranda na mas doble ang bigat dahil sa suot mong dress, kaya mas magaling kang maglambitin," ang kaniyang nakangiting sagot. At sa halip na magalit ay mas lumapad ang ngiti sa mga labi ni Cairo.

"Baka isa akong unggoy sa past life ko?" ang natatawa nitong sagot.

Mahina rin siyang natawa at saka niya hinaplos ang malambot nitong pisngi.

"Hmmm, ngayon alam ko na kung bakit...nagpapaakyat ng mga kuwarto ang mga babae sa Pilar kina kuya, saka...kung bakit bumigay agad si Harlow," ang saad ni Cairo na may pilyong ngiti sa mga labi nito.

Tumango ang kaniyang ulo, "ngayon alam ko na rin kung bakit naging hobby ito ng pinsan ko at ng mga kaibigan niya kasama ang kuya mo."

Kumunot ang noo ni Cairo sa kaniyang sinabi, "sus, as if kakaunti lang ang babaeng naikama mo na?" ang saad ni Cairo at nakangiting tumangu-tango ang kaniyang ulo.

"Gaano kaunti?" ang tanong ni Cairo, "less than one hundred?" ang tanong ni Cairo at tumango siya bilang sagot.

"Hmmm, seventy?"

"Fifty?"

"Twenty?"

"Ten? Ano hindi pa rin? Five?" ang mga tanong sa kaniya ni Cairo na puro pag-iling naman ang kaniyang isinagot.

"Eh ilan?" ang naiinip na nitong tanong. At kaniyang itinaas ang kaniyang kanan na hintuturo na kunot noong tiningnan ni Cairo.

"Isa? So ako ang pangalawa?" ang muli nitong tanong at muling umiling ang kaniyang ulo bilang sagot. At nang mapagtanto na ni Cairo ang kaniyang sagot ay namilog ang mga mata nito sa kaniya.

"First time mo?"!

"Si."

Kumunot pang lalo ang noo ni Cairo, "pero paano? Ugh, parang alam mo ang lahat ng gagawin?" ang tanong ni Cairo sa kaniya na bahagyang dumapa sa kaniyang tabi at naramdaman niya ang malalambot nitong mga dibdib na dumikit sa kaniyang tadyang.

At hindi niya napigilan ang kaniyang kamay na haplusin ang dibdib nito at marahan na pisilin. And he saw how Cairo's eyes closed and she started to breathe on her lips.

Cairo McLaury (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon