Kahit Di Ibigin (2011) - Tula

2 1 0
                                    


Sa bawat araw tanaw ko'ng kanyang ngiti
Sa sandali'y ako'y napaatubili
Umaasang siya'y aking makakapiling
Pagka't ito ang natatangi kong hiling

Siya ay halos milya ang layo sa akin
Kung kaya't pag-ibig ko'y 'di ko maamin
Sana'y 'di mabigo ang aking puso
'Pag sakaling malaman niya ang pagsuyo

Sa mundong ito'y panahon ay nabibilang
May pagkakataon na aking sinayang
Ngunit kung magugunaw man itong mundo
Nais ko'y kapiling siya sa paglisan ko

Darating man ang araw na siya'y magbago
Pangako kong ito'y 'di na mapapako
Na siya na ang aking laging mamahalin
Kahit na ang puso ko'y 'di niya mapansin

Kahit sandali'y siya'y aking nakasama
Sa panaginip ko, ako'y napasaya
Ngunit kung hindi siya ang aking tadhana
Sana'y magawa ko ang magparaya

Alam kong siya'y walang pag-ibig sa akin
Kung kaya't nararapat ko siyang limutin
Kung sa piling ng iba ay siya'y lumigaya
Masaya akong mawawalay sa kanya..

MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon