Kasabay ng pagsikat ng araw
Muli kong nasilayan ang kanyang ngiti
Kaligayahan ko'y umaapaw
Pagka't naririto siya sa aking tabi
Hindi ko inakala na hahantong dito
Pagmamahal na wagas ang mararamdaman ng puso
Ang taong pinangarap kong makasama noon
Ay tahimik na humihilig sa aking balikat ngayon
Ako'y mananatili na kapiling siya
Hindi maikakaila ang dulot na saya
Nagkaroon ng rason upang lumigaya
Sa paglubog ng araw, siya'y yayakapin at hindi na pakakawalan pa..
BINABASA MO ANG
MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMS
RandomBefore anything else, I would like to let you know few things about myself: 1. I'm gay (I love girls!) 2. I'm introverted. 3. I am a certified weirdo. 4. I love watching the night skies, interested about galaxies, heavenly bodies and time travel. 5...
