Hindi man mabatid ng isip
Puso'y nakararamdam ng init
Nag-aalab ang nadarama
Magkahalo ang saya't kaba
Masilayan lamang ang kanyang ngiti
Sapat na upang ligaya sa pag alis ay maiuwi..
Tila sampung dagat ang pagitan
Ng mundong aming kinalalagyan
Ngunit hindi naman dapat mag-alinlangan
Sapagka't ang tadhana ang siyang daan
Patungo sa kanyang liwanag at kariktan
Sa taong iyon, na hiniling ko sa Maykapal..
Balang araw, kami'y magkakasama
Mahigpit na yakap ang tanging patunay sa kanya
Na siya lamang ang kinasasabikang makapiling
At sa panahong iyon, matutupad na ang aking hiling..
Sa ngayo'y nararapat muna na magsikap
Magkalayo ma'y sabay na aabutin ang aming mga pangarap
Hindi mapapagod at laging magtitiwala
Para sa isang kinabukasang maginhawa..
BINABASA MO ANG
MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMS
RandomBefore anything else, I would like to let you know few things about myself: 1. I'm gay (I love girls!) 2. I'm introverted. 3. I am a certified weirdo. 4. I love watching the night skies, interested about galaxies, heavenly bodies and time travel. 5...