Basag na Alaala (Tula)

2 0 0
                                    



Parang kailan lang noong huli kong maramdaman

Maramdaman ang init ng iyong pagmamahal

Pang-unawa na mula sayo'y pangmatagalan

At aking hindi ipagpapalit kahit kailan..


Ngunit sa paglipas ng araw, mga taon at oras

Hindi ko namamalayang bawat sandali'y nagwawakas

Naglalaho na parang bula, bulang sumasama sa hangin

Ang hangin na dati'y nagbibigay ng kahulugan sa isang pag-ibig

Ngunit ngayo'y daig pa ang pinakamalamig na yelo sa pag-ihip..


Inihipan ang nakaraan at nalimot nang tuluyan

Tuluyang nagdaramdam ang pusong dati'y yakap yakap mo pa

Ngayo'y nalilimutan na, at kaunti na lang ay hindi na maaalala

Maaalala ang mga masasayang nangyari noong tayo'y magkasama

Magkasama sa lungkot, sa galit, at sa tuwa..


Mukha mong kaya kong ipinta kasama ng mga bituin

Mga bituing nagniningning, ngunit walang nagawa upang maisakatuparan ang aking hiling

Ang hiling na manatili ka pa sa akin kahit saglit

Isang saglit, kahit na sa pagpikit, kahit pa sa pagdilat ko mula sa aking panaginip..


Panaginip na tanging nagagawa na lamang ng nabigo kong damdamin

Isang damdamin mula sa basag na salamin ay sumisilip

At ako'y sisilip na lamang hanggang hindi na maaninag pa

Kahit hindi na maaninag ang liwanag ng ating munting alaala..

MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon