Pinili kong lumayo at manahimik dahil ayaw ko nang magulo pa ang buhay mo. Pinili kong pakawalan ka, pagka't ayaw ko na ring makihati pa--- makihati sa pagmamahal at atensyon na hindi naman talaga naibigay sa akin kahit pa sa kwentong ating nasimulan noong una. Duwag ba akong maituturing dahil hindi na kita kayang panindigan? Ngunit, kung alam mo lamang.. Kung alam mo lamang na buong tapang kong hinarap at niyakap ang katotohanang hindi ka naman kailanman magiging akin--- hindi ka naman talaga naging akin, mahal..
Noon pa mang tayo'y nagkasama, matagal mo na ring naiwan ang puso mo sa iba--- ni hindi ako nangalahati sa pagmamahal mo sa kanya. Masakit.. Sobrang sakit. Ngunit, hayaan mo na rin akong piliin ang sarili ko simula ngayon, at papakawalan ko na ang sarili kong minsan na ring nagpakulong sa'yo. Kahit pa ang puso ko'y naiwan ko rin sa'yo, mahal ko..
BINABASA MO ANG
MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMS
RandomBefore anything else, I would like to let you know few things about myself: 1. I'm gay (I love girls!) 2. I'm introverted. 3. I am a certified weirdo. 4. I love watching the night skies, interested about galaxies, heavenly bodies and time travel. 5...
