Huwag kang bibitiw, sabay nating pagmasdan ang mundong nilikha ng ating pagmamahalan.. Ito'y higit pa sa naggagandahang mga talang matatanaw natin mula sa kalangitan.. Higit pa sa mga pagkakataon na ating natanaw ang paglubog ng araw at ang paghalik nito sa karagatan.. Higit pa sa mga awiting patuloy na nagpapaindak, at nagbibigay ng kakaibang sigla sa ating mga damdamin.. At higit pa sa mga oras na hindi natin sinasayang, at hindi kailanman magmamaliw.. Kaya't, higpitan mo pa ang pagkapit sa aking kamay sinta, sapagka't hindi ako magsasawang pagmasdan ka-- kasabay ang kagalakan ng iyong mga mata, ay nagpapatunay lamang sa akin na ika'y dapat ingatan, sapagka't isa kang tunay na obrang nilikha ni Bathala, siyang tunay na biyayang sa akin ay ipinaubaya..
BINABASA MO ANG
MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMS
RandomBefore anything else, I would like to let you know few things about myself: 1. I'm gay (I love girls!) 2. I'm introverted. 3. I am a certified weirdo. 4. I love watching the night skies, interested about galaxies, heavenly bodies and time travel. 5...
