Kulungan ng Nakaraan (Tula)

2 0 0
                                    

Nangungulila, ako'y hindi pa rin mapakali
Nahihilo, umaasang ililipad ako ngayong gabi
Sa naiwan mong amoy, ako ay nalalasing
Handang magpatangay sa alon, upang ika'y makapiling

Laging maghihintay, hindi pa rin mamatay-matay
Ang umasa sa pagkakataon na sayo'ng tabi ay hihimlay
Gumuguho man ang itinayong tahanan
Patuloy lang ang paghinga, hindi panghihinaan

Nabubulag ang mga matang mulat naman
Ang katotohanan ay hindi pinapansin kahit pa nasa harapan
Ibinuhos na ang lahat ng luha, wala na ring mapagsidlan
Isang saglit lang ang hinihiling upang ika'y pagmasdan

Sinunog man ang mga sulat, ay inukit naman kita
Nanatili ka pa rin sa isipan, at puso ko ang ginawang tinta
Kalabanin ko man ang panahon, hindi na rin magsisilbi
Ngunit sa huling pahina ng ating kwento, baka tuluyan na rin akong manatili

MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon