Budhing Itim (Tula)

1 0 0
                                    

Humihingi ng suporta ay wagas
Ngumingiti sa madla ng madalas
Mapanlinlang na pangako'y sinasabi
Gagawin lahat upang ang kalooba'y mahuli

Mulat man ang ilan sa katotohanan
Bakit nabibiktima pa rin ang karamihan? 
Mga taong kunwari'y mala-anghel sa labas
Yun pala'y kawangis ng buwaya at hulma ay ahas

Salapi, kapangyarihan, ang tanging habol
Matigas na sungay, kailan ba mapuputol? 
Nabibighani sa samyo ng kaban ng bayan
Bulag sa adhikaing marapat sana'y pag-unlad at kasaganahan..

MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon