Ambon (Tula)

3 0 0
                                    

Mag-isang pinaglalaruan ang mga letra
Wari'y gagawing isang magandang musika
Hindi man marinig ay ramdam ng damdamin
Tunay na pag-ibig, nagmumula sa tahimik na awitin..

Sa isang silid hinihintay ang iyong pagdating
Sa isang sulok ay taimtim na nagmamasid
Ang inip ay balewala sa tuwing ika'y naiisip
Hindi malulungkot, pagka't sa alaala mo'y ako'y nahimbing..

Bawat oras ay aking dinadalangin
Na sana'y magtagal pa't hinding hindi sasayangin
Ang pagpatak ng ulan na nagbibigay ng kakaibang huni
Larawan mo sa aking isipa'y hindi pahuhuli.. 

At dito sa inuupuang silya ay mananatili
Kahit man lang saglit ay iyong tunguhin ang aking tabi
Sana'y bigyan mo ako ng iyong pinakamagandang ngiti
Bago man lang matapos ang maghapon ay masaya akong makakauwi..

MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon