Hindi Naging Sapat (Maikling Kwento)

1 0 0
                                        



"Anong nangyari sa atin? "


"Hindi ba't ito ang gusto mong mangyari?"


Isang mahabang minuto ng katahimikan ang bumalot sa ating paligid, habang pinagmamasdan natin ang paglubog ng araw--- nakaupo malapit sa dalampasigang minsan nating naging tagpuan.. Na minsang dito rin mismo, ako'y iyong iniwan..


"Patawad, kasalanan ko, ang tanga ko, ngayon heto, nahihirapan ako, hirap na hirap ang puso kong pakawalan ka, mula nang matauhan ako.." At tawang mapait ang iyong binigay sa akin, sa nananahimik kong damdamin..


"Magsalita ka naman, matagal rin akong nangulila sa boses mo, matagal tagal rin mula nang makabalik tayo rito.. Kahit pa, hindi naman natin plinano.." At nakita ko ang pagpatak ng luha mo habang nakangiti kang nakatanaw sa tanawing nasa iyong harapan--- pinagmamasdan ang ulap, at ang nagliliparang ibon sa kalangitan..


"Hindi ba't ito ang iyong gusto? Minahal ko lamang ang sarili ko, gaya ng iyong payo, habang nakatanaw ako sa'yo noon, sa unti unti mong paglayo.." Sa wakas, nakapagsalita rin ako, ngunit alam kong mas lalo lang nitong sinaktan ang iyong damdamin..


"Nakikita ko nga, masaya ka na talaga.. Sana ako rin.. Sana magawa ko rin.. Kahit papaano'y napabuti ka noong iniwan kita.." Hindi na ako nag atubili at ako'y napatayo na-- pinagpag ang aking palda mula sa mabuhanging inupuan kanina..


"Ngayon ikaw naman.. Mahalin mo ang sarili mo, mahalin mo ng buo, at saka tayo magkikita, sa panahong buong masaya na rin para sa magkabilang buhay ng isa't isa.."


Pinigilan mo akong umalis, napahawak sa kamay ko ng mahigpit..


"Mahal mo pa ba ako?" Nagsusumamong katanungan ng iyong puso.."Oo minahal kita noon.. Ngunit hindi yung katauhang nang iwan sa akin at pinabayaan ako sa tagal ng panahon.." Saka lamang lumuwag ang pagkakawahak mo at binitawan ang kamay ko..



At muli, sa ganoong tagpo ay nauna ka na namang umalis.. At alam kong hindi ka na babalik..

MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon