Itinatangi Ngunit Itinatanggi (Random 24)

2 0 0
                                        


At tulad ng mga bituin sa langit, hindi man kita maabot ay mananatili kang isang magandang tanawin sa akin.. Ang pag-ibig ko ma'y kapos sa pag-asang masusuklian mo, ay nanaisin pa rin na maging tapat sa'yo-- tanging sa'yo..

Bagama't napakalabo, at naninikip rin ang aking dibdib sa tuwing nababanggit mo ang pangalan ng taong iyong tinatangi, ay hindi ko ipararamdam na nahihirapan ako sa sakit at hapding idinulot ng pagmamahal kong hindi kailanman na nagawang ipagtapat at mapansin..

Sana nga lang, kahit sa aking mga mata ay iyong makita ang pangungulila ng isang hamak na mandirigmang buong tapang na nilabanan ang kanyang tunay na nararamdaman..

Isang buntong hininga na lamang ang mailalabas, sapagkat alam niyang ang istorya'y hindi naman nagsimula, ngunit kailangan nang magwakas..

MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon