Parang kailan lang nung huli kong maramdaman
Maramdaman ang init ng 'yong pagmamahal
Pang-unawa na mula sayo'y pangmatagalan
At aking hindi ipagpapalit kahit kailan
Ngunit sa paglipas ng araw, mga taon at oras
Hindi ko namamalayang bawat sandali'y nagwawakas
Naglalaho na parang bula, bulang sumasama sa hangin
Ang hangin na dati'y nagbibigay ng kahulugan sa isang pag-ibig
Ngunit ngayo'y daig pa ang pinakamalamig na yelo sa pag ihip
Inihipan ang nakaraan at nalimot ng tuluyan
Tuluyang nagdaramdam ang pusong dati'y yakap yakap mo pa
Ngayo'y nalilimutan na at kaunti na lamang ay hindi na maaalala
Maaalala ang mga masasayang nangyari noong tayo'y magkasama
Magkasama sa lungkot, sa galit, at sa tuwa
Mukha mong dati rati'y kaya kong ipinta kasama ng mga bituin
Mga bituing nagniningning ngunit walang nagawa upang maitupad ang aking hiling
Ang hiling na manatili ka pa sa akin kahit saglit
Isang saglit, kahit sa pagpikit, kahit sa pagdilat ko mula sa aking panaginip
Managinip, na tanging nagagawa na lamang ng nabigo kong damdamin
Isang damdamin sa basag na salamin ay sumisilip
At ako'y sisilip na lamang hanggang hindi na maaninag pa
Kahit mawalan ng sigla, kahit 'di na maaninag ang liwanag ng ating munting alaala..
BINABASA MO ANG
MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMS
RandomBefore anything else, I would like to let you know few things about myself: 1. I'm gay (I love girls!) 2. I'm introverted. 3. I am a certified weirdo. 4. I love watching the night skies, interested about galaxies, heavenly bodies and time travel. 5...