Mahal daw pero binabalewala
Mga oras na sila'y magkasama
Magkatabi, ngunit parang hangin
Ang sa iyo'y kanyang turing
Mapapansin lang kapag galit
Saka pa magtatanong kung bakit
Sadya nga talagang manhid
Pagluha't mag-isa mong pinapahid
Walang pakialam, sitwasyo't mababaliktad
Ikaw pa ngayon ang may kasalanan ng lahat
Ang ginawa mo'y mahalin siya ng tapat
Ngunit pag-iibiga'y tila lalong inalat
Nagkulang ka nga ba? O siya'y nagsawa?
Agad-agarang nilimot ka
Pinabayaan, puso'y unti-unting nanghihina
Dahon may nadurog kapag natuyo na
BINABASA MO ANG
MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMS
RandomBefore anything else, I would like to let you know few things about myself: 1. I'm gay (I love girls!) 2. I'm introverted. 3. I am a certified weirdo. 4. I love watching the night skies, interested about galaxies, heavenly bodies and time travel. 5...
