Hindi niyo ba napapansin?
Hindi na ganoon katingkad ang kinang ng mga tala mula sa langit
Tila ang paglipas ng mga araw ay kay bilis na rin
Paunti-unti rin ang paglisan ng mga taong parang kailan lamang ay kasama natin
May kakaiba na rin sa pag-ihip ng hangin
Ang paghahangad ng pag-ibig ay mahirap nang hagilapin
Hindi na dinadaan sa pag-iyak ang pagkawasak ng damdamin
Hindi na rin gaanong mararamdaman ang hapdi dahil sa nangingibabaw na pagka-manhid
Natutulala ka na lamang habang pinagmamasdan ang pagbabago sa iyong paligid
Hindi na nga tulad ng dati
Hindi na ganoon kasaya
Hindi naman ganoon kalungkot
Malabo rin para alamin
Hindi mo mawari kung bakit
Mga tanong mo ay patuloy ang pagdami
Hindi na madadaan sa mga baka at kung sakali
Ang dating masiglang mundo ay biglang napalitan ng pait
Dumating ang mga karanasang hindi maipaliwanag ng puso't isip
Nabuhay nga ba tayo sa pagpasok ng taong dalawang libo't dalawampu?
O hindi kaya'y, wala naman tayong nasimulan at matagal na tayong natapos at naglaho..?
BINABASA MO ANG
MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMS
RandomBefore anything else, I would like to let you know few things about myself: 1. I'm gay (I love girls!) 2. I'm introverted. 3. I am a certified weirdo. 4. I love watching the night skies, interested about galaxies, heavenly bodies and time travel. 5...