Napapansin ko na lang, palagi na lamang akong nangungumusta sa mga taong mahahalaga sa akin, ngunit bakit parang hindi nila magawang mangumusta sa akin? At sa tuwing hindi na ako magpaparamdam, bakit nga ba'y pakiramdam ko'y ako ang may kasalanan? Bakit pakiramdam ko na ako ang may mali? Napag-isip isip ko rin, na baka hindi naman ako gaano kahalaga sa kanila, na ako lang naman ito.. Ako lang naman itong tao na pwede nilang balikan at iwanan kung kailan man nila gusto.. Na ganoon lamang ang parte ko sa kanilang mundo.. Ay mali, wala nga palang parte, sapagka't hindi ako naging bahagi, o naging permanente..
BINABASA MO ANG
MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMS
RandomBefore anything else, I would like to let you know few things about myself: 1. I'm gay (I love girls!) 2. I'm introverted. 3. I am a certified weirdo. 4. I love watching the night skies, interested about galaxies, heavenly bodies and time travel. 5...