Bago man ninyong basahin ang tula sa baba, nais ko lamang ipabatid na ako'y natatawa mula nang balikan ko ito. Isa ito sa mga pinagawa sa amin noong ako'y nasa kolehiyo, at ang layon ay patungkol sa kung anong bagay ang gusto mong maging kung hindi kami ipinanganak na tao. Heto na nga't ibabahagi ko sa inyo.
----Ang aking landas na tinahak
Kasabay ng pawis na tumatagaktak
Masasabi kong ito'y hindi madalian
At mangyaring minsan lang pangarapin ng sinomanNais kong magsilbing kawayan
Ikaw ba'y nais akong pagtawanan?
Hindi ako basta-bastang kawayan
Taglay ko ang hindi matinag na katibayanKawayang pundasyon ng nasirang tahanan
Ako rin ay isang kumportableng pahingahan
Bibigyan kayo ng matibay na higaan at upuan
Sapagka't kahit nanghihina'y pilit kayong lumalabanMarami ang sa aki'y makikinabang
Ako'y agad nilang natatanaw mula sa ilang hakbang
Matayog man, ngunit ako'y mapagkumbaba
Para sa tulad nila na ang tulong ko'y tila biyayaKawayang kahit bagyo'y sasalubungin
Hindi mababali, yuyukod lamang at hindi tatangayin
Kawayang para sa akin ay simbolo ng tibay
Kawayang mananatiling tulong at bahagi ng bawat buhay
BINABASA MO ANG
MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMS
RandomBefore anything else, I would like to let you know few things about myself: 1. I'm gay (I love girls!) 2. I'm introverted. 3. I am a certified weirdo. 4. I love watching the night skies, interested about galaxies, heavenly bodies and time travel. 5...