Isa, lalapit ka na
Dalawa, at tatlong hakbang pa
Ngunit, bakit umaatras ang mga paa?
Kinakabahan ba na malapitan siya?Siya'y nawala bigla sa iyong paningin
Nais mo pa sanang ikaw ay mapansin
Pinangunahan ng alinlangan sa dibdib
Nakaramdam ng lungkot at saglit na panganibNaduwag at naubos ang iyong lakas
Malapit na sana, ngunit nag-iba ka ng landas
Ayos lang 'yan, may susunod pang pagkakataon
Sarili'y tapangan nang hindi pagkaitan ng panahon..
BINABASA MO ANG
MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMS
RandomBefore anything else, I would like to let you know few things about myself: 1. I'm gay (I love girls!) 2. I'm introverted. 3. I am a certified weirdo. 4. I love watching the night skies, interested about galaxies, heavenly bodies and time travel. 5...