Nais (Tula)

1 0 0
                                        



Nais mo ba ang layuan kita?
Marahil hindi mo rin maririnig itong mga salita
Katanungang nakakubli sa aking bibig
Tanging mga galaw ko ang siyang magpapahiwatig..

Nais mo ba ang lumayo ako?
Magkaibang tanong ngunit kahuluga'y kapareho
Nararamdaman ko ang lamig ng pagdapo nito
Dahan dahang dinudurog ang aking puso..

Nais mo ba ang layuan ako?
Natatakot akong mabanggit ito sa'yo
Marahil alam ko na ang magiging sagot mo
Ang pagbigkas ng oo, ang siyang tuluyang wawasak ng pag-asa ko..

Nais mo ba ang lumayo sa akin? 
Nanginginig na ang aking mga ngipin
Hinihigpitan ang pagpigil ng luha
Kay hapdi na nitong aking mga mata..

Nais mo ba ang lumayo sa akin? 
Pigil hininga ko na itong babanggitin
At sana'y huwag mo nang hilingin
Ang ulitin ko pa ito't sambitin.. 

Mapait, dahil ito ang iyong nais
Dulot man nito ay walang kapantay na hinagpis
Mawalan man ng buhay ang nag iinit kong pagmamahal
Palalayain na kita't, hahayaan kong paglayuin na tayo ng Maykapal..

MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon