Walang Pamagat (Tula)

1 0 0
                                    

Gising ang aking diwa, ngunit ang puso mo'y hindi
Kailan kaya malilimutan ang damdaming nakakubli
Pinilit na hindi isipin, ala-alang nagbibigay pasakit
Dahil kailanma'y sa tadhana'y hindi tayo ang nakaukit

Bilangin ko man ang mga tala sa kalangitan
Wala pa ring tsansa na maabot kita at ako'y mapagbibigyan
Nagsara nga ang kabanata na hindi rin naman nasimulan
Pinagtagpo man, kahit kailan ay walang naging kasiguraduhan

Kaya't bakit pa mananatili, hindi rin naman nagawang magtagal
Kung sana'y lahat ay tinotohanan, makukumbinsi kaya natin ang Maykapal?
Ngunit, mag isa nga pala ako sa istoryang walang pamagat
Sumugal sa isang bagay na ako lang rin pala ang natamaan ng sibat

Kaya't ako'y nananaghoy, ngunit hindi mo rin maririnig
Pangalan mo ay siya pa ring aking bukambibig
Nanghihina at malabo ko na ring kayanin
Sa paglisan na iyong ginawa, hindi ka rin
maibabalik pa sa akin..

MY RANDOM THOUGHTS, SHORT WRITINGS, POEMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon