FORTY-NINE

1K 50 10
                                    

Para akong tangang napapangiti kapag naalala ko ang confession ni Enrique sa akin. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi niya sa akin nang araw na 'yon. Ang sarap gumising sa umaga habang inaalala ang lahat ng sinabi niya. Akala ko ay wala siyang pakialam sa akin, pero dahil sa sinabi niya, lalo na iyong tungkol sa debut ay napatunayan kong may care din pala siya sa akin kahit paano.

Ang sarap sa pakiramdam na gumising na may malasakit sa'yo ang mahal mo, plus katabi ang mo pa gabi-gabi sa pagtulog, tapos malalaman mong may nararamdaman na rin siya para sa'yo.

Grabe ang kilig ko, at kapag naiisip ko iyon ay parang hinahalukay ang laman loob ko. Parang lahat ng pwedeng magdiwang sa akin ay nagdidiwang na. Grabe, after all these years ay may pagnanasa rin pala siya sa akin tapos pinahirapan pa ako? Kalurkey. Akala ko naghahabol ako sa wala. Iyon pala ay naghahabol ako sa pakipot at denial.

Sabagay hindi ko siya masisi. Bata pa ako noon tapos sexy at dyosa pa. Talagang iisipin niyang baka kapag nakahanap ako ng pogi at macho na yummy ay tigilan ko siya. Hindi niya naisip na pure ang love ko sa kanya at walang makakatibag kahit sino. Mas matibay pa sa pundasyon ng Earth ang pagmamahal ko sa kanya, and I am so kilig to the highest level dahil sa confession niya. Kalurkey! Eyy, so happy me.

Tuloy ang healing process ko and honestly, nakalimutan ko na nga na may pinagdadaanan ako. Naaalala ko na lang kapag sinasabi ni Enrique sa akin na may session kami kay doctora Keisha.

Laging nakaalalay sa akin si Enrique at bihira na nga lang siyang pumunta sa trabaho niya dahil mas inuuna niya ako. He never fails taking care of me. Walanghiya din 'tong asawa ko. Hinintay pang mabaliw ako bago umamin sa naramdaman niya.

Pero OKS lang, happy naman. At least napatunayan ko sa kanya na true love ang naramdaman ko at hindi infatuation. Siya rin ang napasuko ko at hindi niya ako nagawang pasukuin. Ako pa rin ang nagwagi sa kakahabol ko. Sa akin pa rin ang bagsak niya. Haha. Dy yata ito at walang inaatrasan. Ito ang totoong 'worth the wait.'

One thing that I learned about postpartum—importante pala talaga ang papel ng mga taong nakapaligid sa'yo, especially your husband. Malaki ang nagiging impact ng relasyon mo sa kanila sa kung ano ang pinagdaanan mo. Hindi lang asawa, kundi pati kapatid, magulang, anak, kaibigan. Lalo na sa panahong hindi mo na maintindihan ang sarili mo. Kailangan mo sila para ipaalala sa'yo na OK lang ang lahat at magiging OK ka rin. That you don't have to worry, because what's running through your mind is not real, not even your thoughts.

Kaya pala may tuluyang nababaliw, o 'yong iba ay nagpapakamatay na lang dahil pakiramdam nila mag-isa lang sila at walang nakakaunawa sa kanila. They tried hard to fight themselves, but they lost. Dahil una, puro negative ang naiisip nila, pangalawa, mag-isa lang silang lumalaban, and lastly, hinusgahan sila imbes na intindihin at unawain ng mga taong iniisip nila makakaunawa sa kanila.

Base sa mga pinagdaanan ko, nakapapagod lumaban to the point na gusto mo na lang matapos ang lahat kaysa lumaban. Gusto mo na lang matapos ang paghihirap mo dahil wala ka rin naman karamay at walang nakakaunawa sa'yo. Sinasabi ng iba na weak ka, pero wala ka ng pakialam sa mga iyon nila dahil ang alam mo lang na kapag nawala kay tapos na rin ang mga paghihirap mo.

Sinasabi nila 'laban lang' eh, ayaw mo na ngang lumaban dahil napapagod ka ng lumaban. Ang gusto mo na lang ay matapos na ang laban. Kaya sobrang proud ako sa sarili ko na kinaya ko, at hindi ako sumuko sa laban. Na hinarap ko ito hanggang sa malagpasan ko.

Sana, lahat ng kagaya kong dumaan sa postpartum o kahit iyong mga may pinagdadaanang mental illness na pagod sa buhay ay lumaban din kagaya ko. Sana kahit wala silang karamay ay maisip nilang dapat silang lumaban. Hindi para sa ibang tao kundi para sa sarili nila. Para pagdating ng araw ay makita nila ang totoong ganda ng mundo. Para maranasan nila ang totoong saya kapag nakalagpas na sila. Na totoong mahalaga sila, may silbi sila, at may nagagawa silang hindi kayang gawin ng iba. Na iba sila sa lahat, walang kapares, at bukod tangi. Na nag-iisa lang ang gaya nila sa mundong ito. That someone out there envied, was proud, and loved them silently. Unang masasaktan kapag sumuko sila.

Dy Siblings 4: Dandelion's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon