Chapter 3: Intrams

83 6 0
                                    

Calvin POV

       Nandirito na kami sa classroom at inaayos ulit para lalong gumanda ang iba kong mga kaklase ay nasa labas para sa mga estudyanteng papasok sa married booth namin.

₱15.00 lang naman ang bayad kung papasok ka sa room.

“Calvin,”

Nilingon ko ang nag mamay-ari ng boses na iyon na tinawag ako.

“Oh, Tin ikaw pala. Ano problema mo?” Tanong ko kay Christian.

“Bakit ba kasi binawi pa ng kuya mo yung plano?”

Nag kibit-balikat lamang ako rito.

Alam kong nag tataka kayo kung anong plano ‘yon?

Simple lang sila dapat ni kuya David ang unang costumers namin kaso ang walang hiya kong kapatid umatras at hayaan na lang daw mawala ang kakaibang nararamdaman para sa kaibigan ‘tsaka ayaw rin namang masira ang kung ano ang meron sa kanila.

Hindi ko rin masisisi ang kuya, tama naman siya ayaw lang niyang masira ang friendship nila dahil lang sa nararamdaman nito.

Pero parang kung titingnan mo naman ang kuya David ay mukhang mutual lang rin ang nararamdaman nito.

Bakit kamo? Meron bang laging nakatitig sa kaibigan niya at minsan ay palihim pa?

“Tara, libot-libot tayo. Wala naman tayong mapapala rito puro mag jowa lang naman mag pupunta rito.” Ani nito ng nakabusangot ang pag mumukha.

Tatango-tango na lang ako at nag paalam sa aming SSG President na pumayag naman.

Habang nag lilibot kami ay napahinto ako dahil sa awiting iyon.

Meron kasing karaoke booth at ₱10.00 lang ang bayad sa isang kanta.

Muli ko na namang narinig ang kantang iyon.

Best friend ang title no’n at ang kumanta ay si Jason Chen.

Habang kumakanta ang nasabing estudyante ay doon muling nag pakita at nanariwa ang mga alaala ng mga batang iyon ngunit iba ngayon malinaw na ang mga mukha nila.

Hindi ko alam ang kakaibang nararamdaman ko ng maramdaman kong namuo ang aking mga luha ng may humila sa akin paalis roon.

Nakita ko ang likod nito kahit hindi ko nakikita ang mukha nito ay alam ko kung sino iyon.

Si Kuya Michael.

Huminto ito at hinarap ako doon ko nakita na naaawa ito.

“Naalala mo na?” Tanong nito habang nakatingin sa‘kin.

Dahan-dahan akong tumango at niyakap ito dahil feeling ko ‘y ang kaninang emosyon na naudlot ay tuluyang kumawala ngayon.

Naramdaman kong yumakap ito pabalik.

“A-Ako rin...na alala ko na.” Saad nito ng ikinabitaw ko at tiningnan ito doon ko na lang nakita na nag papahid na ito ng luha.

“Bakit ayaw mong sabihin sa kan‘ya?” Takang tanong ko.

Umiling lang ito pag katapos ay sinagot ako. “ ‘Wag muna siguro ngayon. Enjoy na lang natin muna ang event na ito.” Sagot ni kuya Michael sa‘kin at ginulo ang buhok ko.

Habang si Christian ay masayang nag lalakad ay nilingon nito ang katabi ngunit wala na ang kaibigan.

“Calvin?”

Lumingon lingon pa ito ngunit wala itong makita ng kan‘yang hinahanap.

“Saan kaya ito nag sususuot? Talagang iniwan ako? Mamaya siya sa‘kin.”

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon