Chapter 46: Dinner

37 3 0
                                    

Michael POV

   Habang nag-lalakad sa hallway ng palasyo ay agad rin akong napahinto ng mamataan ko sa dulo ng pasilyo ang dalawang taong pasalubong sa aking direksiyon.

It was David and Keylee.

Nakaalalay ang binata sa dalaga habang masayang nag-ku-kuwentuhan ngunit agad rin silang na pahinto ng mapunta ang atensyon ng mga ito sa akin tulad nila ‘y na pahinto rin ako.

Pansin kong may pitong hakbang ang layo ng mga ito mula sa‘kin.

Yumuko ang ulo ng mga ito bago ako muling tingnan bago ako lapitan na may tatlong hakbang ang layo.

“Magandang umaga, Prinsipe Michael.” Saad ni Keylee bago ako ngitian.

Kahit hindi ko tapunan ng tingin ang katabi nitong nasa kaliwang bahagi niya ay ramdam ko ang mga titig nito sa‘kin.

Tanging ngiti lang ang ibinigay ko sa dalaga.

“ ‘Wag mag-pakapagod.” Turan ko rito na ngumiti lang sa akin.

“Oo, alam ko naman ‘yon kaso nakakabagot kung lagi kang naka-upo at isa pa mas gusto pa ni baby ang gumala.” Ani nito bago hinimas ang tiyan na may kalakihan na rin.

“Paano, ma-una na ako sa inyo.” Pag-papaalam ko sa dalawa bago sila lagpasan.

Ang maliit na ngiti na ipinakita ko sa dalawa ay muling nag-laho at muli ko na namang naramdaman ang kirot sa dibdib dahil sa nakita ko.

Binilisan ko na lang ang pag-lalakad upang makabalik sa loob nang palasyo.

Pag-katapos kong tingnan ang mga anak ko sa silid nila at mag-pakain ay agad ko rin silang pinatulog dahil hindi rin sila nakatulog nung tanghali dahil sa kakalaro sa garden.

Maingat rin akong lumabas sa silid nila ng makita ang ilang dama na may mga dalang pinggan habang ang iba ay makukulay na tela na ipinag-taka ko kaya agad akong lumapit sa mga ito na mukhang nakuha ko agad ang atensyon nila.

Sabay-sabay nilang iniyuko ang ulo upang mag-bigay galang bago muling itinaas ang tingin.

“Anong meron?” Tanong ko sa mga ito upang mag-tinginan sa isa‘t isa ang mga ito bago ako muling tingnan.

“Hindi pa po ba na ipaparating sa‘yo na may magaganap na salo-salo ngayon dito, Prinsipe Michael?” Tanong ng isa sa akin.

“Hindi.”

“Kaya po lahat nang royalties sa iba‘t ibang bayan ay pupunta po ngayon kaya abala po kami ngayon dahil maya-maya lang po ay mag-sisimula na—” Hindi na tapos nang isa ang sasabihin ng may tumawag sa‘kin buhat sa likuran ko.

“Prinsipe Michael!”

Sa pag-lingon ko ‘y doon ko nakita si Manang Ida kasama ang dalawang dama sa pagitan nito.

“Manang, kayo po pala—” Hindi ko na na ituloy ng sitahin nito ang limang dama na kausap ko lang kanina.

“Ano pang ginagawa n‘yo? Mag-madali at maya-maya lang ay darating na ang ibang royalties!” Turan ni Manang Ida sa mga ito.

“Opo!!”

Nag-mamadaling nag-si-alisan ang mga damang ka-usap ko kanina.

“At ikaw namang bata ka, mag-ayos ka na.”

Hinila agad ako ni Manang Ida pabalik sa silid ko habang nakasunod ang dalawang dama na may bitbit na kung ano.

Nandito ako ngayon sa harap ng salamin habang inaayusan ako ng dalawang babaeng dama ng palasyo, si Manang Ida ayun umalis na dahil marami pa raw itong aasikasuhin.

Bloody Moon (Moon Trilogy 2) {BL} [COMPLETED] 🔞Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon